III. Real Deal (pt. 2)

776 23 8
                                    


Continuation....

Mga tatlong oras na akong tumatakbo. Pero hindi ko parin natatapos ang 50 laps. Kung pwede lang sanang mandaya, ginawa ko na. Kaya lang, laging nakabantay tong fashionistang dyablo eh. Gusto nyo flashback?

//flashback//

First 8 laps, pagod na pagod na ang katawan ko. Napagdesisyonan kong magpahinga ng kaunti. Yung tipong, lakad lakad lang. Kakapagod na kasing tumakbo eh. Tsaka sa walong takbuhan na iyon, wala naman sigurong makakahalata na bumagal ako. Pero sa hindi inaasahan, may parang hanging humagalupak sa likod ko kaya napadapa ako bigla sa lupa. Nang iniangat ko ang ulo ko, isang pamatay titig ang sumalubong sa akin. Napatayo nalang ako bigla at napatakbo.

Di ko alam san galing yang teacher nayan. Ba't bigla lang sumulpot? Nakakainis. Sa ika labintatlong ikot ko na , halos di na makaya ng aking katawan kaya napaupo nalang ako sa lupa. Pero sa hindi inaasahan NA NAMAN, gumalaw ang lupa at parang inihagis ako sa kung saan mang lupalop. Tapos, ng tumayo ako para pagpagan ang mukha kong mukhang lupa na, narinig ko nalang itong fashionistang teacher na ito sa likod ko. Sabi nya, "RUN" tapos walang atubili ko syang sinunod. Na-creepyhan kasi ako sa kanya eh. Parang multo lang kung makapanakot.

Sa ika dalawampu't isa ko ng pagtatakbo, napahiga na talaga ako sa lupa. Wala na to,  di ko na to kaayanin. Pero sa hindi inaasahan, ULIT NA NAMAN, tila may isang storm cloud akong nakikita na nakasentro talaga sa akin, tapos naulanan ako bigla.

Wow. Double kill tong katawan ko for sure.  Alam nyo yun? Kapag pagod na pagod ka tapos bigla kang nabasa? Tsk! Echoserang guro ito! Sarap ipalapa sa buaya! Tapos kahit na pagod na pagod na ako at halos dina makatayo, tinakot nya pa akong pagbabawalan nya na akong pumasok sa EU kapag di ko nagawa yung 50 laps. Nako! Sobra pa siya sa Prefect of Discipline kung maka punish! Kakairita! Kaya pagkatapos nun, nagtuloy tuloy na takbo ko hanggang sa kasalukuyan..


//end//


Kita nyo na?! Diba ang sama sama nya?! Nakaka tatlumpo't pitong ikot na ako sa ngayon, at patuloy paring tumatakbo. Di ko man lang lubos maisip na nakakaya ko pang tumakbo ngayon. Sa totoo lang, parang lumulutang nalang yung katawan ko ngayon. Para bang namanhid na yung mga paa ko.

Yan pala yung feeling na pagod na pagod ka? Pero syempre feeling ko lang yun.


Sa ikatatlumpo't walo ko ng ikot, napansin ko ang isang lalakeng nakaupo sa taas ng isang wirdong puno. Naka-hood, kaya parang natatakpan ang mata niya. Tapos, bigla namang luminaw pa lalo ang mata ko. Para bang nagzoom? LOL minsan malatelescope din tung epal paningin ko eh.

Napansin kong napansin ng lalaking iyon ang pagtutok ko sa kanya kaya may sinabi syang mga salita napinorma ng maayos ng kanyang mga labi. Syempre, di ko narinig yun. Sa layo ba naman namin...


Pero talagang naintindihan ko ang sinabi nya.. Para kasing nagslowmo ang paligid at parang dahil dun, naintindihan at nakita ko sya ng maayos. Teka, ano ba to? Parang dejavu ah. Kailan nga lang yung panahong nagslowmo paligid ko? Tsk, maiba nga.  Ang sinabi ng lalaking nasa puno na naintindihan ko ng maayos ay... "Quit staring bitch"  kaya syempre nagtaka ako. Sino ba sinasabihan nyang bitch dito eh wala namang tao sa paligid maliban sakin? So, ako nga?

Habang nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ay nakaramdam ako ng sobrang init mula sa likod ko. Grabe, parang naluluto lang ako sa init dahil parang luha kung tumulo ang pawis ko. Napalingon ako sa likod upang matanto kung saan galing ang init na aking nararamdaman...

At sa pagkabigla ko, isang ball of fire ang aking nakita na nakasunod sa akin. Napatakbo ako ng mabilis dahil tila hinahabol ako nito.  San ba galing yang bolang apoy nayan! Wala man lang bang tutulong sakin dito?

Kapag tumigil ako sa kakatakbo ay talagang madadaganan ako nyan! Hindi lang madadaganan kundi mababatok pa sa sobrang init.  Ayoko no, pangit na nga ako, tapos dadagdagan pa ng fireball nayan! Hustisya! Help from anybody! Ayokong maging the next creeper sa isang horror film! Sapat na ang maging creeper ako ng mga daga.


Teka lang, saan naba kasi si teacher sungit? Sa sobrang lakas nya, kayang kaya nyang patigilin yang fireball na iyan for sure. Pero asan ngaba sya? Kapag nagpapahinga ako sa pagtakbo, bigla bigla lang yun kung lumabas. Pero ngayong grabe na ang takbo ko, wala siya. Leche, angsarap lang niyang pektusan ha.

Lalong napabilis ang aking takbo ng napansin kong  bumibilis nadin yung fireball. Tangnaaa~~ pagod na pagod napo ako! Ampucha!


***

"61, ...62, ...63, ...64, ---"

Tumingala ako ng marinig ko ang boses ng gurong kanina ko pa hinihintay. So, yan pala yung sikreto niya kanina pa kaya hindi ko sya nakikita!  Naka-squat lang siya, at palutang lutang sa hangin. Binibilangan niya pa kung naka ilang ikot na ako. Hindi niya ba naikitang hinahabol ako ng isang nakakamatay na fireball?!

"Ma'am! A little consideration please? Di niyo ba nakikitang may isang kung ano man ang humahabol sakin?! Don't tell me ma'am, bulag ka? Leche!"

Ang disrespectful ko bang pakinggan? Pwe, kurutin ko kayo jan sa singit kapag sinabi nyong oo.

Pagod napo ang bida ng istoryang ito, kaya mas mabuti pang itigil nalang 'tong kalokohang story nato.


Pero syempre joke lang! Kakasimula nga lang ng story. XD


Bumaba nayung bruhitang mangkukulam mula sa pagkalutanglutang nya sa hangin. At sa wakas pinigilan nya na yung bolang apoy. Wow lang ha! Pinigilan niya lang ito using the palm of her right hand at parang na-annihilate lang yung fireball! Sige, sya na makapangyarihan! Push natin yan!

Napahiga nalang ako sa matigas na lupa nung pagkawala ng bolang apoy. Hindi ko inaasahan ang pagdating nun ha. At isa pa, di parin mawala sa isip ko yung lalaking nasa taas ng wirdong puno na naka-hood na syempre wala na doon ngayon.. Bitch talaga? Ako? Mukhang kailangan ko rin yung pektusan ah.


"Miss Williams, another punishment for you. You were not following instructions. I told you to run only for 50 laps but you ran 70s. As your next punishment, you are not allowed to take a rest and must proceed to your next class. Now, move."


Great! Just great! The witch had spoken.


To be continued...


Book 1:Elber's UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon