starting in
5
4
3
2
1
►play
continuation..
"Lanaya..."
Nagulat ng may marinig na ibang tao si Magnolia sa paraisong iyon. Ang lobong may pilak na balahibo ay umalis sa harapan niya at lumipat sa tabi ng matanda. Ipinatong ng matanda ang kanyang kamay sa ulo ng lobo habang hinihimas himas ito. Pumikit naman ang lobo at pinakiramdaman ang paglalambing ng matanda.
May mahabang begote at buhok ang matandang lalaking iyon. May baston din siyang hinahawakhawakan at ang damit niya ay nagpapakita ng kalumaan..
"Lanaya.."
Sambit ulit ng matanda. Umupo sa pagkakahiga si Magnolia at tinitigan ang matanda. Makikita sa mukha ng dilag ang pagkalito sa mga sinasabi ng hermitanyo...
"Lolo, iyan ho ba ang pangalan ng iyong aso?"
"Lanaya, Lanaya ang pangalan mo. Tama ba ako iha? Hawig na hawig mo ang iyong ina. Hindi ako magkakamali, ikaw si Lanaya.."
Naguluhan si Magnolia sa mga sinasabi ng matanda. Hindi man lang makikita sa mukha ng matanda ang pinta ng pagbibiro. Seryoso at mukhang nananabik ang matanda sa dilag na parang hindi niya na nakita sa matagal na panahon.
"Lolo, ako po si Magnolia. Ano pong pangalan nyo?"
"Magnolia? Hindi iyan ang ipinangalan sa iyo ng iyong ina kundi Lanaya. Ikaw si Lanaya."
napaatras si Magnolia sa sinasabi ng matanda. Baliw kung ituring ito ni Magnolia..
"Pasensya na ho lolo ngunit nagkamali po ata kayo. Baka naman ho sa apo ninyo ang pangalang iyan."
"Anak ng pinakamalakas na empress, si Empress Fionhuala at ng taksil na si Lughaid. Ikaw si Lanaya."
Napatawa si Magnolia sa kanyang narinig. Anak ng isang empress? Malabong mangyari iyon sapagkat siya ay isang demiant lamang. At kilala niya pa nga mismo ang kanyang mga magulang.
"Lanaya.." -Sa panghuling beses ay tinawag siya ng matanda kasabay ang malakas na pag-ungol ng lobong nasa tabi nito. Sa sobrang lakas ay napatakip ng tenga ang dilag. At gaya ng sirang plakang paulit-ulit ang kinakanta, gayun din ang boses ng matandang tinatawag syang Lanaya..
Sa tagal ng pag-ungol ng lobo ay nagising nadin si Magnolia. Wala sa dimensyong malaparaiso, ngunit nasa kanyang kwarto..
"Maggie! Thank goodness nagising kana!"
Masayang bati sa kanya ni Lucy na nasa tabi lang niya kasama si Alice. Nakahawak ito sa kanang kamay ni Magnolia at makikita ang bahid ng pag-aalala sa maamong mukha ni Lucy.
"Alam mo bang ang bigat mong dalhin?! Gosh! Binigyan mo pa kami ng trabaho! Ano ba kasing nangyari sayo?! Andami pa kasing drama!"
Mataray na bulyaw ni Alice sa kay Magnolia. Hindi parin siguro maalis sa utak nya ang maaaring maging kahinatnan niya kapag napahamak si Maggie. Mabuti nalang at napagaling niya na ang kanyang mga paso sa labi..
Hindi na sila sinagot pa ni Maggie. Gulong gulo ang utak ng dilag kung sino ba ang matandang hermitanyo na iyon, saan ba makikita ang lugar na iyon, o kung sino ba si Lanaya na sinasabi niya.
Nang maalala ni Magnolia ang pangalang Lanaya, pumihit sya ng konting ngiti at nagpalingon lingon. Sa isipan niya ay binangungot lamang siya.
"Ms Williams! What?!" naiinip na tanong ni Alice..
"Wala iyon... Napagod lang siguro talaga ako.."
~END~

BINABASA MO ANG
Book 1:Elber's University
FantasiA prophecy was made. Prophecy that may affect the lives of students with different abilities and different stories. They were gathered to save the human world… and they were gathered to be part of this prophecy. Book 1: Elber's University ~Ongoing B...