Starting in
5
4
3
2
1
►play
**Red**
Hi!
Naalala niyo pa ako diba? Naman. Dapat lang.
Andito pala ako sa Tunisia ngayon at abalang nagskeskateboard. Buti nga weekend ngayon eh.
Ay oo nga pala, Tunisia is the capital city of Erivan. Dito yung mga malls nila, hospitals, parks, buildings and etc. E city nga diba?
At dahil sa happy-go-lucky dapat ang buhay, nagpalipas ako ng oras dito saTunisia, specifically sa isa sa mga park dito. Nakakatuwa nga eh, kasi yung mga nagdedate nadidistorbo ko na ata. Pano ba kasi, parang naglalaway lahat ng babae sakin. Kawawa naman yung boyfriend nila.
Teka, nakakakita ako ng isang matanda na pinapalibutan ng isang grupo ng mga lalake sa isang medyo madilim na sulok. Medyo lang kasi umaga naman. Pero sa tingin ko, madilim talaga yun pag gabi.
Nilapitan ko sila at nalaman kong hinihingan pala nila ng pera yung matanda na naglalako ng sorbetes.
Tsk tsk tsk, di na nadala tong mga to.
Hinarang ko ang sarili ko sa matanda.
"Nako mga tol, parang may naghahanap ata ng sakit ng katawan ah." ~lampa 1
"Pagbigyan na natin. Mukhang mas mapera naman tong isang to kaysa diyan sa matanda eh." ~lampa 2
Tinapik ko ang balikat ng matanda kaya tumakbo naman siya papalayo. Naiwan ako dito kasabay ang limang mga asungot na parang wala ng ginawa sa buhay kundi ang humithit ng humithit.
"Alam mo bang nasa teritoryo ka namin?" ~lampa 3
"Ah talaga? Kaylan pa kayo nagkaroon ng lugar sa isang public park? Sa mukha niyong yan, halata ng wala kayong pambili ng ni isang lollipop eh, lupa pa kaya?"
"Aba't sumasabat kapa! Hindi mo ba nakikita yon?!" ~lampa 4; tapos may tinuro siyang do-decagon na star sign na malaki na may letter F sa gitna na nasa pader na sobrang pangit.
"Yan lang ba ang batayan ng pagkakaron ng lugar dito sa park? Ang cheap na pala ng Tunisia?" -kumuha ako ng pentel pen sa bagpack ko. Siyempre boyscout to. Laging handa! ^^
Nagdrawing ako ng dragon sa tabi talaga ng star nila. Haha. Iba na talaga ang talent ko sa talent nila. Di hamak na mas magaling ako. Siyempre nilagyan ko pa ng Signature ko.
(AN/ See multimedia -___-)
"Oh ayan. Edi teritoryo ko nadin to. May kasama pang autograph ko yan ha. Ano? Kinikilig naman kayo?"
"Lintik ng...!" Tapos sinuntok ako ni lampa 4. Eh slow siya eh. Edi nahawakan ko yung fist niya.
"Oh ano bayan? Gusto mo talagang makachansing? Nagsabi ka nalang sana. Pagbibigyan naman kita, Pero hanggang holding hands lang ha." ~saka tinulak ko siya kay lampa 3. Hahaha. Yung mga mukha nila, Hindi mo talaga mapipinta. Ay mali. Sa simula pa lamang hindi na pala yun kapinta-pinta.
Kaya ayun. Sinugod nila akong tatlo. Sus nag-iwan pa talaga sila ng dalawa ha. Eh kahit sampung tao kaya kong patumbahin ng sabay sabay.
Kung hindi ba naman sila tanga ay sabay sabay silang sumuntok na mabilis ko ring nailagan. Kaya, nasuntok nila ang mga kakampi nila at nahimatay sa sarili nilang kagagawan.

BINABASA MO ANG
Book 1:Elber's University
خيال (فانتازيا)A prophecy was made. Prophecy that may affect the lives of students with different abilities and different stories. They were gathered to save the human world… and they were gathered to be part of this prophecy. Book 1: Elber's University ~Ongoing B...