III. Real Deal (pt. 1)

872 24 2
                                    


Starting in

5

4

3

2

1

►play


"Gising na ba si Maggie?"

"Ewan ko, tulog pa ata. Pasukin na natin?"

"Magagalit yun panigurado"

"Sus, yaan mo na..."


Kainis tong dalawang to! Pag-uusapan na nga lang ako, yung dinig na dinig ko pa. Napatakip nalang ako ng unan ng marinig ko ang pagbukas ng pintuan.


"MAGGIE!!!"  -sigaw ni Lucy na naging dahilan sa paghipit ng hawak ko sa aking unan.

Tsk! Nakakainis talaga eh! Sarap nilang kutusin! Ramdam na ramdam ko ang unti-unting pagkawala ng kumot ko. Guess what? Lucy.  D*mn her powers. Lahat ng pwede niyang paliparin, papaliparin niya na siguro. E unan ko nalang ang natitira sakin dahil di nya makuha kuha.

"Magz, malelate na tayo ohh."

Still struggling sa unan ko dahil kay Lucy, di ko na pinansin ang sinabi ni Alice. Gusto ko pang matulog. 13 hours palang tulog ko, masyado pang kulang.

"Maggie nga kasi! Bitawan mo na yang unan mo!"  -there goes the telekinetic princess yelling at me again..

Naiinis ako pag ginigising ako. Kung pwede lang sana, hayaan nalang nila akong matulog...

"Ayaw mo talaga magising?!"  -after isigaw yun ni lucy, she then manipulated my clothes in motion para patayuin ako. Pucha, ang galing nya mang inis grabe..

"WILL THE BOTH OF YOU GET OUT?!"  -there I shouted leading the telekinetic princess to control all my stuffs being thrown to me... O sige, siya na ang powerful... 

"Maggie, gising na kasi... Kami pa magpapaligo sayo?"

"Madali lang akong kausap, okay? Please labas na po kayo sa kwarto. Gigising napo ako..."  -hindi pwedeng mainis ko yang si Alice. The last time I did that, sinipon ako at trinangkaso dahil linunod niya ako. Buti nalang, nandyan si Lucy nun. Tuloy, siya na naman yung pinarusahan ni Alice that time.

"Bola mo Maggie, baka paglabas namin, matulog ka lang ulit."

"Di na nga Lucy diba? Di na nga.."

"If di ka pa nakalabas within 5 seconds, you're dead."  -at lumabas na sila sa kwarto ko. 5 seconds? Tch, natakot ako sa banta ni Lucy ha.

Okay. Ipagpalabas na nating tapos na ang 5 seconds.

"Hoy Magnolia! diba sabi ko 5 seconds lang? Hindi 5 hours!"

"Exagge  ka din no? 30 minutes lang, naging 5 hours na? Gusto mo ding makaligo ako within 5 seconds kasama pa bihis at ayos ng bag dun no? Talino mo sa math!"

"Stop that! Lucy, the portal? Malelate tayo if di tayo gagamit nyan ngayon. Tsk" -sabi ni Alice. Naks, bitchessa talaga ang dating niya ha.

"Eto na po."  -at lumuhod si Lucy sa sahig, may ginawang ilang hand gestures or ewan ko. Tapos, may nabuong portal.

"I'm not going in there."  -the last time na gumamit kami ng portal ni Lucy, hilong hilo ako nun..

Puro ata ako last time ah? Ba't ba ang hilig kong magthrowback ngayon?

"Lucy? You know the plan."

Napatingin nalang ako sa dalawang may napaka nakakatakot na ngiti ngayon. Nako, ayoko ng ngiting iyan..

In asdfghjkl seconds, nasa school nako.. Tinulak ba naman ako ng dalawang bruha?

"Haha! Maggie mukha kang may dispepsya."

"..." -no comment. Ampucha talaga.

*ting! ting! ting!*

Ang old school naman ng bell nila dito. As in yung kampana talaga eh. Di ba pwedeng mag electronic nalang sila? Tutal 21'st century na.

"Crap. Di pa tayo nakapag bihis! Metal uniform tayo ngayon diba?"

"Yup but we won't get late. Madali lang to."

Tapos, kinaladkad nila ako sa kung saan. Bakit ko ba naging kaibigan tong dalawang to?

-

-

Hindi ko na alam ang nangyari. Basta ang alam ko, may mabigat na bagay sa katawan ko.

"Sige maggie! Una na kami sayo ha! Sunod ka sa announcement hall."  -tapos kumaripas sila ng takbo..

Talagang nakatakbo pa sila? Tapos ako, halos malumpo na nitong uniporme na to. May breastplate, may kneeguard, may elbow guard tapos may something pa dito sa kamay na... basta metal! Di ko na alam ang tawag sa mga to. Sinundan ko nalang ang dalawa at pinilit kong maglakad..



Nakarating nadin ako sa announcement hall. Late na talaga ako eh. Naka linya na ang lahat oh!

Nakita ko naman yung dalawang lukaret. Ang lapad pa ng ngiti at kumakaway-kaway pa. Masaya ba sila na nalate ako?

"Miss Williams, right? You are late.. This is the first activity made this schoolyear and you are late? Go to your line."   -May teachers na nga pala! Buti walang parusa..

"Yes ma'am. Sorry and thank you."  -naglakad nalang ako papuntang mga kaibigan ko ng..

"Wait Miss Williams."   -another teacher? liningon ko nalang yung guro

"Ma'am?" -Wow! ganda ng teacher na to ha. Masyadong fashionista! Tapos ang bata pang tingnan!

"I'm sorry but I have to give you punishment for being late. Run 50 laps later on the field." -Naku po! ibang teacher to! Walang awa! Bakas sa mukha ng mga kaibigan ko at ng isang guro kanina ang pagkagulat. Sino bang di magugulat? 50 laps? Hello!? Mabigat po ang uniform dito Ma'am. Aish, maganda sana, kaya lang strikta!

"but, superio.."  -teacher kanina. Ma'am ikaw nalang po sana ang pag-asa ko para mapigilan yang teacher na yan ehh...

"Shut up Thundress Halley. I am disappointed with you."   -tapos umalis na yung teacher na masungit. Sira na ang araw ko. Bullshit. Eto na pala yung real deal na sinasabi nila..


to be continued...


Book 1:Elber's UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon