XXVI. Quadrant D sectioning pt.2

99 2 1
                                    


Starting in

5

4

3

2

1

Play



*Red**

Nasa itaas lang naman ako ng isang puno, palipat lipat sa bawat sanga para naman wala akong makaharap. Kaso nga lang nakuha ng atensyon ko si.. Sino nga to? Oh, Catherine.

Yes, that chick.

Just last time we were "dating."

E sa ang bilis bumigay e. In two days of sweet words, na-homerun ko agad. Haha, gwapo ko kasi talaga.

Mind you, that was the time when they had the first part of sectioning. At sabi pa ni pareng Vlad, nakita daw nila yun gamit ang chalice of memories. Loko, nag-enjoy ata sila manood.

Sabagay, ang ganda nga naman talaga ng katawan nyang si Catherine. Masyado lang atang... Let's say, dumb.

Habang sinusundan ko yung chic, nakita kong tumigil siya at para bang may inoobserbahan. Sinundan ko nalang yung mga tingin niya at nakita ko sino nga ulit? Ay basta. Yun yung mga kaibigan ni Ms. Williams

Namiss ko tuloy si Ms. Williams bigla. Ansungit nun e. Nacha-challenge ako.

Nakita kong nakataas na ang mga life-forms nung magkaibigan. Saklap ah. Maglalaban sila?

Para pala sa inyong kaalaman, nagtritrigger lang ang life-forms kapag nagkakainteraction yung dalawang tao. Kaya naman, hindi pa lumalabas yung akin kasi di naman kami nakapag-usap ni Catherine tsaka kaya din di pa lumalabas yung sa kay Catherine kasi ganun na din.

Nabigla ako nung may batong ibinato sakin. Sabi ng pakiramdam ko, nasa-ikatlong puno mula sa punong kinalalagyan ko ang nagbato nito sakin. Binalik ko ang tapon ng bato sa kanya ng nakatalikod. Buti nalang medyo malayo ako kay Cath kasi di niya napansin yung ingay. Hala? Biglang lumabas life-form ko?

Nakita kong umalis na si Catherine. Pinabayaan nalang yung dalawang maglaban. Kainis ah.. Nilingon ko yung nagtapon ng bato. Nabigla siyang makita ang pagmumukha ko.

Ayan, matatakot naman pala e. Bumaba nalang ako saka sinuntok si classmate. Loko siya ah. Ayan tuloy, drained. Kung sa laro pa, ubos HP at XP niya. One hit!

Umakyat ako ulit sa puno saka sinubaybayan ang laban nung magkaibigan.

Sayang, sana nagdala ako ng drinks saka popcorn.


*3rd Person**


Hindi inaasahan ng dalawang magkaibigan na sila'y magkakaharap. Nagtinginan lang ang dalawa na tila ba'y may malalim na iniisip.

Kapwa silang malakas at alam nila ang kakayahan ng isa't isa.


"Lucy..."


Tahimik lang si Lucy habang tinitingnan si Alice. Ngunit hindi nagtagal ay may namuo ring luha sa kanyang mga mata.


"Alice!!! Ayaw kitang kalaban!!! Alice!!! Alice!!!!!"


Binatukan ni Alice ang madramang si Lucy. Hindi niya napigilang pagtawanan ang kaibigan. Tila ba nakalimutan niya ang sitwasyong kinalalagyan nila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 26, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Book 1:Elber's UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon