5
4
3
2
1
►play
Ang pagpapahirap na minsan ay hindi ko naranasan.
Pagpapahirap na ayoko ng balik balikan..
Pagpapahirap, na halos dumurog sa aking puso't isipan..
Pagpapahirap na ibinigay ng guro kong ansarap pektusan.. *binuksan ang pinto ng Freshmen-Quarter D at sabay himatay effect*
Nako, ano ba. Masyado naman ata akong madrama? Pero seryoso, nakahiga na talaga ako agad sa sahig pagkabukas ko ng pinto. Buti nalang, wala pang teacher. Malay ko ba kung anong subject na ito, anong period na ba, anong ka echosan na ba ang nasa loob nitong classroom.
Sa taas ba naman at haba ng nilakbay ko, sinong hindi mapapagod. Pero alam nyo kung anong mas nakakainis dun? Yun yung kapag ang aakyatin mong hagdan ay pagkataas taas at ang classroom mo ay nasa 3rd floor pa at galing kapa sa isang pamatay na punishment with matching fireball-fireball pa kuno na mas lalo lang nagpahirap sakin.
Teka, idagdag mo na yung mga tao sa loob ng silid na ito na parang wala lang pakialam kahit may nakita ng nakahandusay sa sahig. Hiyang hiya naman ako sa kanila, kapag sila naman yung papahirapan nung bruhildang guro na yun, nako. Asa pa sila, HINDING HINDI KO DIN SILA TUTULUNGAN!
Nakakagalit lang at nakakagilaiti. Di ba marunong tumulong ang mga tao dito?! Pramis, nakakabadtrip sya. Lalo na yung mga kaibigan kong hindi ako tinutulungan ngayon? Nako! Sila ang mga una kong hindi tutulungan!
Nagpagulong gulong ako dun sa sahig. Since wala namang nakakapansin sakin dito.. Okay lang yan! Kahit mangulangot pa nga ako, okay lang!
Sadyang, nakakaantok lang talaga ang ginagawa kong ito... *sabay pikit mata*
Red's POV
May point of view daw ako oh! Salamat kay author with matching flying kiss. Kiligin sana siya!
Ako si Red. Isa akong krayola. Isang napakagwapong krayola. Hulaan nyo nga ano powers ko?
Clue: _c_
another clue pa? hmm, ic_
alam niyo na ba? Eto last clue : ice
oh alam nyo na ha?? ICE
(oy, magseryoso ka nga)
hala, tingnan nyo, galit na si author..
(psh, seryoso na kasi)
Okay payn. Chill.. I-freeze kita jan mamaya eh.
Pero syempre hindi pwede yun. Pag frineeze ko siya, di ako makakapag point of view. Baka poreber na akong kalimutan nyan. Sayang kagwapuhan ko...
Sige na, seryoso na nga lang. Tama nalang yung kwela.
Andito ako sa loob ng Secret Room ngayon. Secret room diba? Ibigsabihin, ako lang ang may alam at si Vlad..

BINABASA MO ANG
Book 1:Elber's University
FantasyA prophecy was made. Prophecy that may affect the lives of students with different abilities and different stories. They were gathered to save the human world… and they were gathered to be part of this prophecy. Book 1: Elber's University ~Ongoing B...