CHAPTER 11

2.9K 76 9
                                    

KINABUKASAN ay hindi na niya nadatnan si Kairos dun. Malamang ay umalis na ito kasi nga naman pagod din ito. She felt better mula pa kaninang nagmulat siya ng mata, hindi na siya nilalagnat at hindi na rin siya masyadong inuubo. Maganda palang gamot si Kairos para sa kanya.

"Good morning," masayang bati sa kanya ni Meg nang pumasok ito. "You look better today. Maganda ata ang gising mo."

"Oo naman, Kairos stopped by kaya mas okay na talaga ang pakiramdam ko." Nakangiti niyang kwento sa kaibigan.

They said nothing good ever happens after 2 AM but man, were they wrong. Kairos happened to her at the wee times of the early mornings.

"Si Kuya? Nasa Cebu pa siya. Hindi pa daw kasi natapos yung issue dun kaya andoon pa siya. Yun ang sabi sa akin nina Tita kanina nung dumaan ako sa kanila." Naupo ito sa couch sa may gilid ng kwarto. "Baka nananaginip ka lang. Ikaw talaga, hanggang panaginip si Kuya ang iniisip mo."

That is a possibility pero malabo, the Kairos she saw last night was so vivid. She can even remember his lios on her forehead.

"Hindi ah. Andito siya kagabi. Nagising ako ng madaling araw eh." Napaisip tuloy uli siya. Baka nga naman dahil nananaginip siya kaya niya lang nakita si Kairos. But it felt real, ang saya nga niya kasi nakita niya ito.

"Gutom lang yan, bibili ako ng food mo. Anong gusto mo? Hospital food must be so bland –" napatingin sila ni Meg sa pintuan nang magbukas ito matapos ang isang marahang katok.

May isang nurse na pumasok na may dalang malaking paperbag. Nahulaan niya na agad na pagkain ang laman nun kasi kumalat ang amoy nito sa buong kwarto. Adobo. Man, she was craving for this. Kahit kagabi ay sinabi pa niya kay Kairos iyon.

"Good morning ma'am," Nilapag nito yung paperbag sa la mesa. "Pinadala po ni sir sa inyo."

"Sir? Sinong nagpadala sa kanya niyan?" Tumayo si Meg at tiningnan ang laman ng paperbag. "The food is still warm."

"Si Sir Kairos po. Binilin kasi niya kanina na may magdadala daw po ng pagkain dito para sa girlfriend niya. Nakiusap na lang siya na ako na ang magdala kay ma'am. Maaga din po kasi siya umalis kanina eh." Paliwanag nito.

Napanganga talaga siya sa sinabi nito. He was here. He really was.

"Anong oras siya umalis?" Mikee followed up.

"Mga quarter to six po umalis na siya. Binilin niya lang na bantayan kayo at umalis na din po siya." Mukhang kinikilig din ang nurse katulad niya. "Ang sweet nga ma'am eh, nakakainggit kayo."

"Ah, thank you." She smiled bago bumangon completely at pumunta sa pagkain. "Kagabi ko pa kini-crave to."

When the nurse left she opened the paperbag and saw the food, maliban sa adobo ay may kanin at gulay din doon. There were even pre-cut fruits in there too.

"That sly man." Nakita niyang may tinawagan si Meg. Lumapit ito sa kanya bago ni-loudspeaker ang tawag. "Hello Tita, good morning."

"Oh Omega, napatawag ka. May nakalimutan ka ba?" Boses iyon ng nanay ni Kairos, si Kamila San Vicente.

Makailang beses na niya ito nakilala and she's surely one of the kindest people she's ever met. She is hospitable and she doesn't look at people like she's judging them, katulad din nito ang asawa na siyang tatay din naman ni Kairos. They are both kind people.

"Wala naman po, pero andyan na po ba si Kuya? Bumalik na ata siya ng Manila eh." Obviously Meg was fishing for answers para malaman kung nasaan ang pinsan. He must be sound asleep by now.

"No, he's in Cebu. Kausap niya ngayon ang Papa niya. They're having a teleconference meeting. Kairos is mediating there." Sagot naman ng ginang.

And her heart felt like it will explode. Her lips might as well tear from so much stretching. This how can this not be happiness?

San Vicente 1: Tenacious ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon