CHAPTER 12

3K 76 8
                                    

MIKEE HAD THE SHOCK OF A LIFETIME nang maabutan niya sa loob ng conference room si Aurora Pontefino, her half sister, a fact which she and her father alone knows. Prente ang upo nito doon at nakikipag-usap kay Zia. Hindi nga namalayan ng mga ito na andoon siya. They were happily chatting when she made her presence known. Nakita niya ang biglang pag-asim ng mukha ni Aurora nang makita siya.

"Mikee, andyan ka na pala." Tumayo si Zia at tinungo siya. "I need you to meet one of our investors."

"Ha?" Nagulat siya.

Hindi niya alam na investor pala ng negosyo nila ang kapatid. Si Zia kasi ang may hawak ng portion na ito ng negosyo. She just lets Zia do her job kasi maganda naman ang takbo ng negosyo. Maybe she mentioned this pero hindi niya narinig or something.

"This is Ms. Aurora Pontefino, she's the daughter of Senator Rosco." Inilapit siya ni Zia dito. Her feet were so heavy that every step felt like they weighed a ton.

"N-nice to meet you." She mumbled as she extended her visibly shaking hand. "I'm M-Mikaela Ybrahim. It's nice to meet you."

"Yeah," hindi man lang nito tinaggap ang kamay niya. "I think nabanggit sa akin ni Zia na ikaw ang usual photographer ni Kairos."

"Ah, oo. I get requests from magazines na ako ang kumuha ng pictures niya for them." Tumango siya. Nako, bakit naman kaya nabanggit nito iyon?

"Sanay na din kasi siyang katrabaho ni Sir Kairos. Magkakilala sila from before pa eh." Kwento naman ni Zia.

Ang daldal talaga ng isang to. Hindi naman na dapat pang malaman ni Aurora ang ganung mga bagay. She doesn't like sharing her life with her sister, it just doesn't seem right.

"Is that so?" Tiningnan siya uli nito mula ulo hanggang paa. May mali ba sa kanya?

"Hindi ba naging boyfriend mo siya noon?" Kay Zia naman siya napatingin. Nakatingin ito kay Aurora. Naging boyfriend ba nito si Kairos? Hindi niya alam yun. It did look like they knew each other pero hindi niya naman alam na may past pala ang mga ito.

"Yes, bata pa kami noon." Ngumiti si Aurora. Noon niya lang ata nakita na ngumiti ito. "But now, I guess we're mature enough to know what we both want."

"Ibig bang sabihin na kayo na uli?" Zia asked. Mikee's ears perked up, alam niya naman ang sagot dun but she wanted to hear what Aurora will say.

"We'll get there, lalo na at magkaibigan ang pamilya namin. I'd like to have Kairos back." Aurora had too much conviction in her words na parang kinabahan siya. "I think we should discuss the business now, gusto kong malaman ang takbo ng investment ko."

Then they started the impromptu meeting. Hindi siya prepared at all, kakagaling niya lang sa ospital at kakabalik niya lang sa tamang routine niya sa trabaho. Ang tagal-tagal at ang dami-daming mga kailangang pag-usapan. She can't even go back to her office to get her phone. Paano ba naman at parang ang side niya ng negosyo ang pinagdidiskitahan nito. Their studio is a full service creative management team kaya naman madami ang pasok ng mga kliyente. They're really up in their game.

"Ma'am, andyan si Sir Kairos sa labas." Kumatok ang isa nilang staff habang nagme-meeting sila nina Zia at Aurora.

She's very eager to leave the room lalo na at andoon ang kapatid. Aurora's been bitching out since she came here at hindi niya naman kayang labanan ito kasi nakukunsensya siya. She's her mother and father's sin after all tapos investor pa ito.

"Kairos?" Halos sabay na sabi nila ni Aurora. Nagkatinginan sila nito bago siya inirapan sabay tayo at naglakad palabas. Ito ba ang hinahanap ni Kairos? Sabagay, bakit ba siya pupuntahan nito?

San Vicente 1: Tenacious ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon