CHAPTER 4

3.4K 80 17
                                    

"ARE WE NOT going to talk about this coincidence though?" Mikee was all smiles habang nakatayo si Kairos sa harapan ng sasakyan niya, trying to figure out what was wrong with the car.

She's never seen him this casual mula noong makilala niya ito last year. Sabagay, iilang beses pa lang naman kasi sila nagkikita nito. You can't entirely tell na well acquainted na sila. She's relying wholly on fate kapag tungkol sa lalaking to. Aaminin naman niya na she's living her best life yet kahit na hindi sila magkatagpo these past few months.

Ito na ata yung reply ng universe sa countless times na dinasal niyang sana ay makita niya si Kairos uli. Hindi naman kasi sa hindi siya nage-effort pero kasi hindi naman biro na makita ang lalaki. Ang taas ng posisyon nito sa San Vicente Holdings and a man with such a high position will definitely be swamped with work.

She even tried na i-manipulate na lang ang pagkikita nila kasi she has some connections naman pero hindi talaga umuubra. Ni isang beses sa mga planned encounter niya ay walang nagtagumpay. It was as if the universe is hiding the man from her. Hindi kaya fair!

"Tumawag ka na sa insurance mo?" Tanong sa kanya ng lalaki.

"Huh? Hindi naman ako nabangga ah. Tumawag ako sa towing company kaso sa Manila lang pala ang covered nila." Sabi niya dito. Ano yun? Hindi ba sa towing company lang siya dapat tatawag kasi hindi naman siya naaksidente. "Wait. Hindi ako tanga ah. Hindi ko lang talaga alam. Bakit ko sila dapat tawagan."

Ayaw niyang isipin nito na tanga siya kasi hindi niya alam ang basics pero anong magagawa niya? Everything she ever has to learn when her mother died, she had to learn all on her own. Nasaan naman ang hustisya dun? Kahit nga ang magpalit ng flat tire ay siya ang nag-aral, with the help of some of her friends.

"You should call the insurance because there may be a possibility that your plan covers instances like this. Alam mo ba kung ano ang number ng insurance mo?" He asked again. And she definitely doesn't know the answer. Kailangan niya atang alamin mula sa abogado niya uli. Iyon naman ang may alam ng lahat ng bagay na para sa kanya.

"I honestly do not know. Umalis lang ako sa bahay kanina kasi na-bored ako na wala akong ginagawa." Nginitian niya ang lalaki. "Hindi ako prepared for emergencies like this."

"Your parents allowed you? Ang bata mo pa. You're just in college." Nako, na-judge nanaman ang edad niya. Sabagay, it was her excellent mind and luck kaya naman siya nakapag-advance ng classes at hindi naman ang hitsura niya kaya naturally iwan ang maturity ng looks niya kaya halatang medyo bata pa siya.

"I just graduated, matalino ako so maaga ako nakapag-college." Yes. Mayabang siya kasi may ipagmamayabang naman talaga siya. "Kaya tapos na ako ng college and a complete and legal adult at that."

"Nonetheless, you're just 18." It's just a number, base sa life experiences niya hindi na siya 18. Baka mga 40 na kasi ang stressful ng life niya bilang isang sikreto.

"Nope, 19 na ako. I just had my birthday last month. It's already been a year. Ang tagal na no?" She smiled. Naalala niya ang una nilang pagkikita ni Kairos, her knight in shining armor. "And I don't have parents anymore, they're both dead. Wala din akong actual guardian mula noong namatay ang nanay ko nung 16 ako. Someone just visited me tapos yung lawyer ko ang naging guardian ko on paper for 2 years tapos I'm on my own."

"Oh." Parang nahiya ito sa sinabi sa kanya. "Sorry."

"I wasn't offended, ano ka ba? Hindi mo naman talaga alam at tsaka matagal na. Hindi na masakit maging ulila at patay naman na sila." Kahit na hindi naman totoo ay yun ang alam ng lahat. She's alone in this life either way kaya naman wala din namang bago. "Gusto mo akong alagaan?"

San Vicente 1: Tenacious ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon