CHAPTER 17

3.2K 84 6
                                    

"MAY NAGPADALA ULI ng flowers ma'am," salubong sa kanya ng assistant niyang si Lorna. "Araw-araw talagang may delivery?"

"Hindi ko naman alam kung saan galing yan." Sabi niya dito kahit na alam niya naman talaga kung saan.

Malamang ay nagu-guilty pa din si Kairos sa naging hiwalayan nila kaya naman ganito ang ginagawa nito. Kaunti na lang ay magiging flowershop na ang opisina niya sa dami ng bulaklak. It's always her favorite flowers kaya naman sigurado siyang dito iyon galing. It has been a week at hindi pa din sila uli nagkikita nito. He tried but she won't open the door and he won't actually invite himself in. Kairos isn't rude like that.

"Weh? Ma'am naman, nagso-sorry eh. Alam mo kung saan to galing." Panunukso sa kanya nito.

"Magsasawa din ang nagpapadala niyan." That she was sure of, impossible na hindi.

"Sino si 'K' ma'am? Isang 'K' lang ang alam kong close sayo." Close niya ang assistant niyang ito kaya naman kilala talaga nito si Kairos. Ilang beses na nga din siyang tinukso nito sa lalaki.

"Hay nako Lorns, huwag mo na isipin." She tried to smile. "Madami pa tayong trabaho. Mamaya may meeting ako kaya huwag mo na akong pag-isipin masyado."

"Ay mukhang yung 'K' na yun nga." Nilingon niya ito. "Matagal ko na nga siyang hindi nakikita ma'am."

"Di mo na siya makikita kaya let's stop." If only she had the energy na mapikon gagawin niya pero for the past few days ay parang ang tamlay lang ng pakiramdam niya. "Sa susunod huwag mo nang tatanggapin ang mga bulaklak."

"Saan galing ang mga bulaklak? Saglit lang ako nawala para na tayong flowershop ah." Masiglang bungad sa kanila ni Zia. Kakabalik lang nito galing Singapore para sa isang bakasyon.

"Madami pa dun ma'am sa loob. One week worth of flowers lang po to." Game na game namang sagot ni Lorna. Babatukan niya talaga to mamaya.

"Kanino galing? Bakit puro sorry?" Zia looked at each vase and bouquet that came, binubuklat pa nito ang mga cards na andoon.

"Lorna will not accept any of those kaya huwag mo nang intindihin." She informed her.

"Sino si 'K'?" But she continued to prod.

"Naku ma'am, may hula po ako kung sino si 'K'." Singit nanaman ni Lorna. Onti na lang talaga at itutulak na niya ito palabas ng opisina. "Yung favorite po ni Ma'am Mikee. Si Sir Kairos!"

"Kairos?" Napalingon siya bigla dahil andoon din pala si Aurora. "Bakit ang daming bulaklak dito?"

"Yes po ma'am, si Sir Kairos po. Hula po namin na siya ang nagpapadala po ng mga to kay Ma'am Mikee. Dati po kasi may 'K' din na nagpadala ng food para sa amin dito." Wala talagang idea tong si Lorna na mali ang enthusiasm nito sa harap ni Aurora, besides 'sorry' ang nakalagay sa mga card kaya halata naman na hindi sila okay ng nagpadala noon.

"Lorns, pakipuntahan muna ang staff sa studio. Tingnan mo kung in order ang editing." Sinenyasan na lang niyang lumabas na muna ito kasi nakita na niya ang pagkunot nanaman ng noo ni Aurora.

"Okay po ma'am." At lumabas na ito. Finally, katahimikan naman kahit na kaunti.

"Ano ka ni Kairos para padalhan ng mga bulaklak?" Tanong ni Aurora, she can sense anger in her tone.

San Vicente 1: Tenacious ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon