CHAPTER 29

3K 88 15
                                    

ALPHA JUST ARRIVED in front of Mikee's studio, siya ang susundo dito ngayon kasi nasa Taiwan ang pinsan niyang si Kairos para sa isang business conference. Pinaalam kasi sa kanya ni Kairos ang nangyari kay Mikee noong isang buwan and Mikee told him who her father was. He could only imagine how difficult that was.

Pinaalam niya sa dalaga na andoon na siya sa labas, he was late by half an hour but he notified her of the time change, may meeting pa kasi siyang tinapos bago pumunta dito.

9:00 PM, wala pa din itong sagot kaya naman tinawagan niya na ito. Minsan kasi sobrang focused si Mikee sa ginagawa na hindi na nito napapansin ang paligid. But there was no answer, he tried again, and then he got a text. Umuwi na ako. Yun lang, wala ng kasunod which was odd. Mikee wouldn't text him like that.

Paano ka umuwi? Kairos doesn't want you to take a cab home. But okay, I'll be here earlier na lang bukas. Text me when you do get home.

He was about to leave ng may marinig siyang nagbagsakan na mga gamit sa loob ng building. It wasn't so loud but it was enough to catch his attention. Nilibot niya ng tingin ang paligid. Patay naman ang ilaw sa labas. Out of curiosity ay pumunta siya sa bandang gilid ng building at sinubukan na buksan ang isa pang daanan doon and it was open.

So as not to alarm the possible burglar inside the atudio, dahan-dahan siyang pumasok, he was looking at every nook and cranny. Nothing was out of the ordinary except that there was this faint smell of gasoline, mahina lang ang amoy niyon so Alpha assumed na sa labas iyon galing. He called his men to meet him there, mabuti nang sigurado.

Alpha listened closely sa mga kaluskos ng na nanggagaling sa second floor. May narinig nanaman siyang nabasag at doon ay nagmadali na siyang umakyat. Hindi kasi talaga maganda ang pakiramdam niya sa nangyayari. Kahit na wala pa ang mga tauhan niya ay binuksan na niya ang pintuan patungo sa opisina ni Mikee.

Mabilis niyang nakita ang nagpupumiglas na si Mikee sa bandang dulo ng opisina. This was the back part of the building kaya kung walang nabasag o bumagsak ay hindi niya malalaman na may tao sa loob. Sabi na nga ba at may mali sa pag-uwi ng dalaga. She would wait for him or notify him at least kung umuwi na ito o kung nauna na.

Nabutan niya nang hampasin ng lalaking yun si Mikee sa ulo ng kung anong gamit. He was on top of her as she kept on struggling kahit na nanghihina na ito at umaagos ang dugo sa mukha. She was fighting off this man with all that she has. Her blouse was torn and so was her skirt.

Yung isang lalaki ay sinugod siya agad habang yung isa naman ay tinutukan si Mikee ng kutsilyo. Alpha knew that he needed to act wisely kung hindi ay baka masaktan si Mikee, and he would never let that happen. Mabilis niyang inundayahan ng suntok ang sumugod sa kanya at tinulak ito papasok sa opisina. Yung may hawak naman kay Mikee ay binitawan ito at sinugod siya hawak ang kutsilyo.

It took a few minutes bago niya napatumba ang dalawa. He quickly went to Mikee to check on her. Hinubad niya ang suot na coat at ipinatong sa balikat nito.

"Kaya mo bang tumayo Mikee?" Marahan niyang tinanggal ang tape sa bibig nito.

"Kuya!" At niyakap siya nito ng mahigpit habang umiiyak.

"You're okay. You're okay Mikee." Pinunasan niya ang luha sa mata nito at inalo. Kitang-kita mo pa din ang takot sa mata nito. Nanginginig pa ang mga kamay nito, pati ang katawan habang tinutulungan niya itong tumayo. "I'm here."

San Vicente 1: Tenacious ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon