SPECIAL CHAPTER: Matthew

3.7K 89 19
                                    

Matthew

"KAY, I LOVE YOU." Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ng nobya. She was crying at naiintindihan niya kung bakit, kahit siya ay may takot din naman sa nangyayari. "I will be here, huwag kang mag-alala."

"Natatakot ako Matt, we're too young, nagpadala tayo sa mga sarili natin." Kayla said with tears still streaming down her face.

Tatlong buwang buntis si Kayla Lastimosa, ang nobya ni Matthew San Vicente ng apat na taon. It would have been happy news kung hindi lang talaga sil masyadong mga bata. Matthew is nineteen and Kayla is eighteen. They started out in high school and are very much in love with each other, madami silang mga pangarap na gusto nilang buuin. They wanted to graduate and study abroad together, huild a life, get married, and then have kids but the comfort got to them and things were jumbled, nauna ang huli nilang plano.

"Kay, look at me, I love you at walang magbabago dun. Wala naman na akong ibang gustong maging nanay ng mga anak ko kundi ikaw. Masyado tayong bata pa but that doesn't change anything." Niyakap niya ito. "Magsasabi ako kay Mom and Dad, I will make them understand us and I will do the right thing."

Nang makauwi siya ng araw na iyon ay ilang beses niyang in-attempt na kausapin ang mga magulang niya. Matthew is nervous as well pero kailangan niyang kalimutan ang takot at kaba kasi pangako niya ito kay Kayla. He wants to be with her and be the man who will tale care of her and their baby.

"Mom," kumatok siya sa kwarto ng mga magulang niya, ang nanay niya lang ang andoon kasi nasa opisina nito ang ama. Matthew wanted to talk to his mom first for support.

"Pasok ka anak," narinig niyang sagot mula sa loob ng kwarto.

"Mom," nakita niyang nakaupo ito sa maliit na receiving area ng kwarto ng mga ito. His mom smiled and invited him in, she still looks like the warm person he's always known his mother to be.

"Are you ready to talk to me? Napapansin kita these past few days na balisa ka. Is there a problem Matthew?" Tinapik-tapik nito ang bakanteng pwesto sa tabi nito.

"I'm sorry mom," niyakap niya ito.

"Anak, you can tell me. Whatever it is we can fix—"

"Kayla's pregnant mom. I'm sorry." He finally said it.

Naramdaman niyang lumuwag ang yakap ng ina sa kanya. She pulled away and looked at him with distraught, disappointment, and hurt in her face. Nasaktan niya din ang nanay niya dahil sa nagawa nila ni Kayla. They were careless at inuna nila ang init ng katawan, they should have known better.

"Matthew naman," napatayo ito at napatalikod sa kanya. Kita niyang pinunasan nito ang mga mata.

He never wanted to make his mother cry, the Lord knows his father didn't. Sa loob ng tatlumpung taon na pagsasama ng dalawa ay pulos saya ang ibinigay nito sa nanay niya and here he is, one of the two things they consider as a miracle in their life, making his mother cry.

"Is Kayla okay?" She suddenly asked, alam niyang nasaktan na niya ito pero iniintindi pa din nito ang nobya niya. "Being pregnant is difficult, naisip niyo na bang magpadoctor?"

"Nasa kanila po si Kayla, she's doing well po at nagpadoctor na din po kami para malaman namin kung tama ang mga test." Sabi niya. Matthew stood up and went to his mother. "I'm sorry mom, we're sorry but I love Kayla. Alam ko pong bata pa kami to know what love is but I do love her with all that I am."

San Vicente 1: Tenacious ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon