CHAPTER 26

2.9K 81 15
                                    

"SHOULDN'T I BE preparing for a wedding instead? Bakit hindi na lang kayo magpakasal kung ganito siya ka-insistent na tumira kang kasama niya?" Sabi sa kanya ng nanay ni Kairos.

She asked Kairos if she can talk to his parents privately kanina matapos nilang sabihin sa mga ito ang plano ni Kairos to which the two did not oppose to. They didn't look at her badly at walang sinabing masama ang mga ito.

"Temporary lang naman po Tita, ayaw niya lang na doon ako tumira after what had happened." Kinuwento nila na may pumasok na lalaki sa bahay niya but they left out the part of that man being one of her biological father's men. "Sinabi ko pong maghahanap na lang ako ng ibang lugar but he won't budge, sasama daw siya. Ayaw ko naman pong gawin siyang uncomfortable sa kung saan ako titira."

"That boy of mine is as stubborn as a bull." Sabi naman ni Tito Rafael, ang tatay ni Kairos.

"As stubborn as his father, more like it." Naiiling na sabi naman ng asawa nito. "But kidding aside, I have no worries for as long as he's with you and you're with him."

"Kanina noong magkakausap tayo he did seem so invested with you moving in. We don't mind, matatanda na kayo at alam niyo na ang ginagawa ninyo. We appreciate it though na sinabi ninyo sa amin." Just like with Kairos, madami ang natatakot sa current Chairman ng San Vicente Holdings pero just like his son, he is warm and compassionate also.

"Nung una po tumanggi ako kasi baka isipin niyo na pinipikot ko siya." She told them honestly.

"Hay hija, mukhang ikaw ang pinipikot niya." Tumawa uli ang ginang. Nangangapa pa siya kung papaano sasabihin ang nais niya talagang sabihin sa dalawa.

"Sa totoo lang po hindi naman po magnanakaw yung nakapasok." Kita niya ang lito sa mukha ng dalawa. "I knew the purpose of the person who went there."

"Kung ganun ay papupuntahin natin si Alpha dito so he can sort it out. You know that he's in charge of the family's security." Akmang kukuhain na nito ang cellphone nang magsalita siya uli.

"Hindi po sa ganun." Her fingers fidgeting with the mere thought of telling them the truth. Kinakabahan siya kasi kapag hindi naging maganda ang pagtanggap ng mga magulang ni Kairos sa katauhan niya ay napagdesisyunan na niyang umalis.

"May problema ba hija? You know that you can tell us, same lang with how you can say it to Kairos." Maamong sabi sa kanya ng nanay ni Kairos. "I treat you like one of my daughters already."

"Tungkol po sa—it's about..." hindi niya mabuo ang mga salita. "It's about my family."

"What about them hija? Hindi ba at wala na sila pareho?" Halata ang pagtataka sa mukha ng mag-asawa.

"Ang totoo po ay buhay pa po ang tatay ko. He never really died at yung pumasok sa bahay ko ay isa po sa mga tauhan niya. Hindi niya lang po ako kinikilala kaya itinatago niya ako. Para na din naman po kasi akong ulila sa trato niya sa akin." She began to explain, ni hindi nga siya makatingin sa mga kausap niya.

Tahimik lang ang mag-asawa habang hinihintay na matapos ni Mikee ang gusto nitong sabihin. Tita Kamila even held her hand to assure her and that she should continue with her story. They paid just enough attention to her to make her more comfortable.

"A-anak po ako sa labas ng tatay ko. Kabit niya lang po ang nanay ko." Hiyang-hiya siya sa lumalabas sa bibig niya. Nakakahiya ang existence niya, it was born out of lust and not love. "Sorry po for not saying it beforehand. I will understand and follow whatever you say to me right now."

"Hija, that's not your fault." Hinaplos ng ginang ang pisngi niya. Naisip niya kung ang nanay ba niya noon ay naging ganito sa kanya noong bata pa siya? Maybe she did but Mikee couldn't remember. "Bakit sa tingin mo ba mag-iiba ang trato namin sayo dahil dito? Hindi naman kami ganun klaseng mga tao."

San Vicente 1: Tenacious ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon