CHAPTER 6

3.3K 75 11
                                    

"WAIT, KAIROS!" mabilis niyang hinabol si Kairos. Hinayaan na niya si Omega dun sa kwarto. Siya na lang ang bahala dun. Iniwan niya ito na namimili ng kama. Mabuti na lang at malaki ang nakuha niyang kundi baka sa sahig pa siya patulugin nun.

"Mikaela, ano yun? May nakalimutan ka?" Sabi nito nang mabutan na niya ito finally. Ang lalaki naman kasi masyado ng hakbang.

"Oo," tumango siya bago muli itong tiningnan. Lulunukin na niya ang lahat ng hiya sa katawan niya. "Nakalimutan mong ibigay sa akin yung number mo."

"Ha? Meg knows my number. If may kailangan kayo pupwedeng sa kanya..." Pinigilan niya itong magsalita.

Umiling siya. "No, ang usapan natin noon kapag nagkita uli tayo ibibigay mo sa akin."

"Then ask Meg." He said a little bit too casually. As if naman may mapipiga siya dun eh nagluluksa para sa sawing puso.

"Eh? Hindi naman yun ang usapan tsaka palagi ngang humahagulgol tapos tatanungin ko pa? Baka sa akin magalit yun. Tumigil nga lang siyang umiyak kasi namimili siya ng kama dun." Nakita niyang tumawa si Kairos bago kinuha ang cellphone sa bulsa. "Hep. Baka bigyan mo ako ng fake na number ah. Dapat may isang salita ka."

"Silly girl," he laughed and it made her heart melt a bit more. "Anong number mo?"

She readily gave it to him and watched him diligently go through his phone as he saved her number. This is happening, shet, she's making progress. Dahil sa focus niya sa ginagawa ng lalaki ay hindi niya napansin na tumutunog pala ang cellphone niya.

"That's me." Sabi ng lalaki sa kanya as she fumbled to get her mobile phone out of her pocket.

"Step one done," She smiled. "Give and take some few months baka malapit na kitang maging boyfriend."

"I'm 12 years older than you Mikaela." He gently patted her head before turning to leave. Nilingon lang siya uli nito. "Aalis na ako. Sorry to bother your vacation with babysitting Omega."

"Anything for you. Tsaka boring naman mag-isa." At totoo naman na kahit na ano ay willing niya nga atang gawin para sa lalaki. "I'll tell you kung ako na yung awayin niya. Di ako gaganti, magtatago na lang ako sa banyo. Don't worry about her."

He nodded and smiled before turning his back ang leaving. "Ako na bahala sa kotse mo."

"Thank you. Ingat ka!" Then he waved his hand again without turning back.

Ilang minuto na ang nakalipas pero nakatingin pa din siya sa entrance ng hotel. She wanted that moment to be engraved in her brain for a long, long time. Masaya siya. Ganito pala ang feeling na maging masaya talaga. Ang tagal na mula noong huli niyang naramdaman eh.

"Umalis na si Kairos." Sabi niya kay Omega nang pumasok siya sa suite room na kinuha niya. "Nagugutom ka ba? Kasi gusto ko kumain. Sasama ka?"

"Why are you talking so casually to me? Hindi tayo friends." Hindi man lang siya nilingon ng loka-loka na to.

"Gusto mo ba na tawagin pa kitang senyorita? Hindi mo din naman ako yaya." She plopped herself down the couch and opened the television. "Magugutom ka din kaya kakain ka rin."

"Nagtataka ako kung paano ka nakilala ni Kuya. He doesn't associate with people as noisy as you." Puna nanaman sa kanya ng babae. Mahaba lang talaga ang pasensya niya at iniisip niya si Kairos kaya kailangan niyang tagalan tong maldita na to.

"Hmm. Hindi ko ma-explain eh." Tumayo siya at nilapitan ito sa may dining table. "I'll tell you though. He took me home, nag-overnight ako sa bahay niya, tapos hinalikan ko siya."

San Vicente 1: Tenacious ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon