CHAPTER 8

3.4K 87 17
                                    

TODAY IS THE FIFTH DAY since Kairos said that he was dating her. Hindi pa din siya makapaniwala kasi parang cloud nine pa din yung feeling. Ilang taon ba niya pinangarap na maging sila at ngayon andito na, ito na.

But the thing, is hindi naman nagbago ang pakikitungo nito sa kanya except that he has been informing her where he is on certain occasions because that's what boyfriends do. They inform the girlfriends that they are still alive. Okay na din siguro to, choosy pa ba siya? Kaya naman niyang maghintay na mas maging seryoso sa kanya si Kairos. Okay lang na mag-testing lang ito muna. She's grateful enough for the chance to show him how much she loves him.

Today, she took her time to be a really good girlfriend. Kailangan ipakita niya na she's going to be worth it and that she's here for the long run.

This is the first time na magkikita sila ni Kairos since five days ago. Ipinagluto niya ito ng lunch. PanghahawKan niya ang kasabihan na 'the way to a man's heart is thru his stomach'. She really has no experience in this whole dating shindig. She's a rookie but she's determined to be an amazing one.

Iisipin ng iba na sinabi lang ni Kairos sa kanya na he will date her to pacify her that night and maybe tama sila, pero they are together now. Siya naman ang nagsabi na hahayaan niya lang basta subukan lang nila. If this ends up breaking her heart, ayos lang din. It's better to have loved and lost than to not have loved at all nga diba?

"Uy Mikee, andito ka pala." Bati sa kanya ng secretary ni Kairos na si Claire. Kakilala na niya ito since two years ago. "Di mo ata kasama si Ms. Omega."

"Ah oo, ako lang ngayon. May ibibigay lang sana ako kay Kairos." Sanay na din ito na sa pangalan lang niya tinatawag ang boss nito. "Busy ba siya?"

"Kababalik ko lang galing CR pero wala naman siyang scheduled na meeting ngayon," and that was her cue to enter. Ngiting-ngiti pa talaga siya kasi makikita na niya uli si Kairos.

"Kai–" nanlaki ang mata niya nang makita niya si Bobbie San Vicente, isa sa mga pinsan ni Kairos, na nakaupo sa loob ng opisina.

Nilingon niya ng mabilis ang secretary ng lalaki at pinanlakihan din ng mata. Patay. She immediately tried to close the door as she mumbled her apologies for possibly intruding on their meeting. "Ay sorry."

Isasara na uli niya sana ang pintuan nang tawagin siya ni Kairos. "Mikaela."

"Ah, mamaya na lang." Mikee smiled at Kairos and then at Bobbie, who was good to her naman kahit na sinasabi ng lahat na masama ang ugali nito. "Mukhang busy kayo ni Ms. Bobbie."

"It's okay. Mukhang may dala ka para kay Kuya. Patapos na din naman kami kaya pasok ka na." Nakangiting sabi sa kanya ni Bobbie.

Isa ito sa mga pinaka-notorious na San Vicente for being ill-mannered especially sa business. But she doesn't believe that. Paano naman naging masama ito eh mukhang approachable at mabait? Well siya, for one, ay never pang napunta sa receiving end ng temper nito.

Hindi na niya tuluyang maisara ang pintuan dahil sa sinabi nito sa kanya. Sumisigaw na ang utak niya na umalis na kasi hindi niya alam kung gusto ni Kairos na may ibang makaalam na sila na other than Meg. She's walking on eggshells due to her fear of losing him this fast.

"Ah, nakakahiya naman. Sige lang dito lang muna ako sa–" tatanggi pa sana siya pero nagsalita na si Kairos.

"Pumasok ka na Mikaela. Dun ka muna sa table ko." Sabi nito sa kanya. Ang awkward. Nakakahiya. May dala pa naman siyang pagkain.

"I have food kasi, baka mangamoy sa office mo." Mikee's still a bit hesitant but there's something in how Kairos was looking at her. Alam na niya ang tingin na yun, ibig sabihin nun makinig na siya agad-agad. So instead of thinking much about it, she quickened her pace and proceeded sa desk nito. Hindi niya alam kung uupo siya o tatayo lang dun sa sulok.

San Vicente 1: Tenacious ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon