CHAPTER 14

3K 82 12
                                    

"IT'S ALL OVER THE NEWS," naiinis na sabi niya kay Zia habang nag-e-edit siya ng mga videos.

Ipinakita kasi sa kanya ni Zia ang isang balita uli na may kasamang babae si Kairos. The write up said na nakita si Kairos na ka-date ang isang sikat na socialite na si Bea Domingo. She's heard about that woman from some entertainment news but not anywhere else. Baka din kasi katulad ito noong huli na may isang babae pang na-link kay Kairos, that Karen girl pero hindi naman totoo.

"Hindi naman kasi malabo na may girlfriend na talaga si Sir Kairos kasi ang gwapo kaya niya, ang yaman pa." Zia retorted. Tama naman ito pero kasi siya nga ang girlfriend hindi kung sinong sikat na socialite from abroad. "Everyone wants to have Kairos San Vicente."

Kung hindi niya lang kaibigan to ay nasuntok na niya to malamang. Hindi pwedeng magkaroon ng girlfriend si Kairos kasi siya yun! Kung pwede lang niyang ipagkalat ay ginawa na sana niya. Alam niyang Kairos values his privacy and she respects that, ang mahalaga lang naman ay alam niya na sila. But sometimes, that's tricky. Hindi niya alam kung papaano niya ire-reconcile ang gusto niya sa alam niyang gusto nito.

"Hindi niya girlfriend yan." She just said. Kahit dito man lang ma-declare niya na di nakatali sa iba si Kairos kundi sa kanya lang.

"Ikaw talaga, alam ko naman na crush mo din siya but let's be realistic about this. You do not belong in that circle. Iba ang ginagalawan natin sa ginagalawan nila." That was a hard pill to swallow but it's something that she'll reserve judgment to. Siya pa din ang pinipili ni Kairos ngayon. The trial period is not yet over at may pag-asa pa siyang mahulog ang loob ng lalaki sa kanya ng tuluyan. "He will have a girl sooner or later at dahil sa edad niya maybe he'd settle down soon. Tingnan mo nga, yung investor natin na si Aurora, I think she'll be perfect for him."

"Ah, ha?" Natigilan siya. Gusto niya sanang kontrahin pero hindi na lang. Mukha kasing malapit si Zia sa half-sister niya.

"Gold deserves gold," Zia explained. "But it's not that you're not gold, ibang quality lang talaga tayo."

Ngumiti pa ang loka-loka, as if proud sa naging explanation nito sa kanya. It was all speculation. Sino bang makakapagsabi talaga na bagay ang isang tao sa isang tao pa? We all have preferences that do not suit us but that doesn't make the preference wrong. It just demonstrates our individuality as humans.

Nang makalabas si Zia sa opisina ay napaisip siya. Paano niya nga ba fully and completely makukuha ang puso ni Kairos? He did change at mukhang may kahit kaunti na itong pagtingin sa kanya bilang isang babae at hindi na lang yung parang kapatid na babae na inaalagaan nito. Siguro miss niya lang ito, kaya naman tinawagan niya ang lalaki.

"Hey," bati niya sa nobyo ng sagutin nito ang tawag. Matagal na kasi silang hindi nagkikita nito, it's been like two weeks already. Madami itong trabaho kaya naman hinahayaan na lang niya. She shouldn't be hardwork for him too.

"Hey," Sagot din nito.

"Miss na kita," she paused for a few seconds pero hindi na niya hinintay na sagutin nito. She might not get a response anyway though. "Kumain ka na ba?"

"Kakain pa lang actually. May meeting ako kanina kasi and–" napahinto ang lalaki sa pagsasalita and then she heard someone speak in the background.

Kairos. Narinig niyang may babaeng tumawag sa pangalan ng lalaki. I made sure na favorite mo yung lunch.

"Nasa meeting ka pa ba?" she asked. "Baka naiistorbo kita."

Bea cooked them. May pagmamalaki sa boses nung isang babae pa sa background.

Swerte mo naman pare. Sabi naman ng isang lalaki. Kung pupwede lang na lumusot siya sa cellphone just to look at the people with Kairos ay baka ginawa na niya. There's this itching feeling in her chest and it irritates her. Everyone's dying to get this treatment.

San Vicente 1: Tenacious ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon