CHAPTER 33

3K 77 17
                                    

"I SEE SOMETHING SPARKLY," may himig na sabi ni Meg nang dumating sila sa isa sa mga pavilion ng resort. "At mukhang may nagpa-practice nang magsuot ng white."

The two of them woke up late today kaya hindi na sila nakasabay sa umagahan. They ended up talking until 5 in the morning. Wala pa silang 24 hours ma engaged pero ang dami na nilang plano kaya naman napuyat sila. Iilan na lang din naman kasi ang pamilya ni Kairos na andoon. Most, if not all of them are leaving right after lunch. Sila naman ni Kairos ay mamaya pang hapon kasi may urgent teleconference meeting ito at aabutan sila sa daan kung aalis pa agad.

"Nasabi mo na?" Bulong niya sa nobyo.

"No, not yet. Nakilala niya lang siguro yung suot mong singsing." He whispered back. Tatanungin pa sana niya pero sinalubong na siya ng yakap ng nanay ni Kairos.

"Oh my dear, congratulations. It's finally official." Sabi nito sa kanya. Naguguluhan siya kasi hindi naman lumabas si Kairos kanina. He wasn't even on the phone.

"Alam niyo na po?" She asked.

"Anyone who sees that ring would know, especially me." Iginiya siya nito papalapit sa la mesa. Kairos was already seated and he pulled the seat beside him para doon siya umupo. "That was my engagement ring too."

"Po?" Nagulat siya dun.

"The ring originally belonged to my Lola Aurelia. It's an heirloom na nakukuha ng panganay sa pamilya." Kairos explained, well he forgot to say that last night. "I figured that it's the best ring to propose to you with. You have the same feistiness as lola and mom adores you, she has been waiting for months kung kailan niya makikita ang singsing na yan sa kamay mo."

"My son asked for the ring last year," ngumiti ang tatay ni Kairos. Nagulat siya dun. Hindi niya alam na  matagal na pala nito nakuha ang singsing. He did mention last night that he tried to propose to her a couple of times already. "Nagtataka nga kaming ngayon mo lang nakuha."

"Mabilis o natagalan, basta si Mikee ang pakakasalan niya okay lang. I'm so happy for you Kairos, finally you're settling down." Sabi ng nanay nito. "And I can soon call Mikee as my daughter too. Matutuwa sina Cleo at Lia nito."

"Kaya nga sabi ko sayo Mikee, everybody knew that Kuya loves you." May pagmamalaki pa nitong sabi sa kanya. "So from now on, dapat nakikinig ka na sa insider tips ko."

Tumango siya bago ngumiti. "From here on out."

"May mga plano na ba kayo? Like the wedding date or anything? Or gumawa kayo ng apo ko kasi parang puyat kayo eh." Halos mabuga niya ang kapeng iniinom dahil sa tanong ni Tita Kamila.

"Ma," hinaplos-haplos ni Kairos ang likod niya as he handed her a tissue.

"Ahm, wala pa kaming final na decision Tita..."

"I only accept 'Mama' from here on out." Kairos' mother smiled.

"Wala pa po Ma." Nginitian niya din ito, it has been ten years since may tinawag siyang ganun. She lost her mother too early, hindi niya na nga matandaan ang madaming bagay tungkol dito. "We did decide on a date."

"Really? When is that? Baka naman ang tagal pa niyan." Tanong ni Kamila sa dalawa.

"Kairos wanted to have it on my birthday Ma." Which was two months from this day. "Medyo biglaan kaya hindi pa po final, balak pa namin po kayong tanungin."

"Two months? Your birthday's in two months." Mukhang nag-iisip ito. "That's perfect, medyo matagal pa but that's just perfect."

Their morning was particularly filled with wedding planning and so many other stories. Mikee knew all these times that she did belong in this family but today she finally sealed that feeling. In two months magiging parte na talaga siya nito.

San Vicente 1: Tenacious ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon