CHAPTER 40

3.9K 114 64
                                    

***This chapter has a big time jump and several time perspectives.***

"IS IT ALREADY our tenth year?" She smiled at Kairos as she opened her eyes. Binati kasi siya nito ng 'happy anniversary' nang magising ito. "I feel like two pa lang."

"Two is kind of a correct answer. We've known each other for two decades." Hinalikan nito ang noo niya at niyakap siya. "May gusto ka ba for breakfast?"

"You." Biro niya dito.

"I might take you up on that," he laughed.

Every single morning they both find comfort in their laughter. Maganda na agad ang araw basta sinisimulan nila ng masaya. Hindi naman na sila mga bata, she's already thirty eight and he'll be fifty by the end of the year kaya wala na silang ibang gusto kundi maging masaya and as much as they can, they try to live normal lives.

"Mamaya na yun, gusto ko muna ng fried chicken." She wanted something crunchy all of a sudden. Matagal na din mula noong huling kumain siya noon.

"It's six in the morning, paano tayo magluluto ng chicken?" Tanong ni Kairos sa kanya.

Ganun pa ba kaaga? Natulog kasi siya ng maaga kagabi kaya hindi siya nakapag-dinner kaya gutom na gutom talaga siya kaso inaantok pa siya kaya naman nakapikit pa din siya. She would get up pero natatalo ng antok niya ang gutom niya somehow.

"Jollibee, we can order na lang para you won't have to cook." Nagmulat siya ng mata at tiningnan ang asawa. He learned to cook kaya naman most of the time ay ito na ang nagluluto for them. "We will eat Jollibee for our anniversary. Fancy no?"

"Ikaw talaga," tumayo ito at kinuha ang cellphone. "I'll drive na lang to buy it, baka magtagal pa kapag delivery."

"Huh? Aalis ka? Sama ako. Let's go to the park and eat there." Bumangon na din siya at tinungo ang banyo. Na-excite siya bigla kaya naman medyo nagising na talaga siya. "Mahihiya ka bang kasama ako na nakapambahay lang?"

She was wearing a gray shirt and sweatpants, maayos naman pero halatang pantulog.

"Bakit naman ako mahihiya? Maganda ang misis ko sa kahit na anong suot niya." Sabi nito sa kanya bago kinuha din ang toothbrush para magsipilyo.

"Kaya tayo nagtagal ng ten years eh, bolero ka kasi." She laughed. There were no days that he made her unhappy. They'd fight and get angry but at the end of the day they settle their differences and decide that they like each other more than any of their problems and that made her happy. "Ah, mamaya tayo pupuntang Pampanga diba? Two weeks na tayong di nakakauwi dun, namimiss ko na ang mga babies natin."

Tinutukoy niya ang mga alaga nilang hayop doon. Mula noong napatayo nila ang bahay nila sa nabiling farmland doon ay lingguhan na sila kung pumunta doon, they liked spending their weekends there at malayo sa stress. Kaso nadadalas ang pass nila sa pag-uwi dahil busy si Kairos dahil ito na ang pumalit na Chairman of the Board dahil bumaba na ang tatay nito. Her father-in-law wanted to spend his retirement na malakas pa ito kaya naman hayun at nagtatravel na ang mag-asawa sa kung saan-saang panig ng mundo.

Life has been kind to her especially, masaya ang pagsasama nila ni Kairos at kahit hindi sila biniyayaan ng anak ay mahal na mahal nila ang isa't isa. They are each others' rock. Nawala na din kay Mikee ang pag-iisip tungkol sa pagkakaroon ng nito. She's given up kasi sampung taon na niyang pinagdadasal ay wala pa din, tinanggap na niyang wala ito sa plano ng buhay niya. Sa totoo ay naghihintay na lang sila na ma-notify na may baby silang pupwedeng ampunin since sa dulo ng taon ay ika-fiftieth na kaarawan na ni Kairos.

San Vicente 1: Tenacious ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon