CHAPTER 2

4.2K 92 15
                                    

KAIROS SAN VICENTE, that was the guy's name. Mikee smiled, ilang araw na ba siyang ganito na bigla na lang ngingiti kapag naaalala niya ang lalaki. She can still remember the shock in his face noong halikan niya ito. Her feet walked so fast noong matapos niyang gawin yun kasi kinilig talaga siya. Baka naman kasi lasing pa ata siya noong ginawa niya yun. His lips just looked so enticing. May something din na parang kiniliti ang puso niya kasi the guy exerted efforts to help her that night.he could've let her rot there or what pero dinala siya nito sa bahay nito at pinaalagaan pa.

"Hoy, baliw ka nanaman diyan. Wag ka ngang masyadong kiligin diyan. Ang creepy mo." Nagulat pa siya kasi biglang umupo sa harapan niya ang kaibigan na si Yvette. "Akala mo naman first time mahalikan."

"First time kaya." Wild and party girl siya pero hindi naman siya pumapatol sa mga lalaking nanlalandi sa kanya. "Si Kairos ang first kiss ko."

"Wow, congrats ah. Ang tanda na ng unang humalik sayo." Yvette laughed.

Hindi niya talaga gets kung bakit tingin ng mga ito ay matanda na ito. Ilang taon lang naman at hindi naman halata na malaki ang age gap nila.

"Bata pa naman siya. Akala mo naman lolo na kung makapagsalita to." She rolled her eyes. 

It's a good enough gap. Tsaka ano bang magagawa niya kung nagustuhan niya ang lalaki. It's like all the stars aligned noong makita niya ito noong umagang yun. Parts of her lonely life made sense kahit sinungitan siya nito.

"Ang bata mga twenty to twenty three ganun, pwede na yun. Yung sayo naman kasi thirty! Twelve years yun my friend." Noong isang araw pa siya pinapagalitan nitong kaibigan niyang ito kasi masyado naman daw kasi matanda ang pinagkakainteresan niyang lalaki. "Pero sabagay, what are the odds na magkikita pa kayo uli diba?"

"Ang sama nito! Baka ma-jinx. Gusto ko uli siya makita. Hindi pwedeng sa wala lang mapunta ang first kiss ko." She crossed her arms para mapigilan na hampasin ang babaeng ito.

"Mas matanda ako sayo kaya dapat ate levels ang advice na ibigay ko sayo. Guys like that who flirt with young girls, especially like you, have no good intentions. Ang bata mo pa, kaka-eighteen mo lang nung isang linggo Mikee." Somehow, she understands naman kung saan nanggagaling si Yvette pero she's made up her mind. She won't give up that fast. Plaibhasa halos dalawang taon ang tanda sa kanya ng lahat ng mga kaklase niya kaya feeling ng mga ito ay immature pa siya.

Her life wasn't that of an immature and innocent eighteen year old.

"If wala talaga, susuko naman ako eventually. I'll just exert some efforts to know him more." Nilabas niya ang cellphone at pinakita ang litrato doon ng lalaki. "How can I not exert effort for that face?"

"Yan, nako. Sa mukha ka niya na-in love Mikaela. If you want love, dapat beyond sa physical."

"I'm eighteen, sabi mo nga. I base my feelings on one's exterior. Ayaw mo nun, kung superficial lang pala ang pagkagusto ko edi mawawala din to agad. Let me break my own expectations." Sabi niya dito.

"Okay, sige. Basta hindi puso mo ang ma-break okay na din." Tumayo na ito. "Halika na, pumasok na tayo baka ma-late pa tayo eh."

For the next few weeks ang laman lang ng utak niya ay kung papaano makikita uli si Kairos. He's not somebody one can just walk in to meet. Na-discover niyang mataas pala ang posisyon nito sa business ng pamilya. He is being groomed to be the next leader, ang panganay na apo ni Gerardo San Vicente. He's too much for her to dream about pero yun na din ang nangyayari. She just keeps on wanting to see him. Binabasa na nga lang niya ang lahat ng pwede niyang mabasa tungkol sa lalaki. He's too hard to figure out on paper. Hindi niya alam kung bakit iwas ito sa mga interviews unlike some of his peers.

San Vicente 1: Tenacious ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon