CHAPTER 21

3.2K 81 12
                                    

"IMAGINE, LAHAT NG pinaghirapan natin for the past years ay iiwan mo dahil lang hindi ka nasunod? Lumaki ba ang ulo mo because you're dating Kairos San Vicente?"  Si Zia ang unang bumungad sa kanya noong bumalik siya sa dati niyang opisina para kuhain ang ilan pa niyang naiwan na personal equipments doon.

"That's not it," umiling siya. "Having Kairos keeps me grounded contrary sa iniisip mo. Ang hindi ko kayang tiisin ay yung ginawa mo sa akin. You were my friend and I trusted you."

Tila namutla ito sa sinabi niya. Alam nito ang ginaw nito sa kanya. How could she betray her like that? Bakit parang wala silang pinagsamahan nito.

"I can't wrap my head around it. Hindi ko alam kung bakit mo ginawa yun? Selling what was mine? That's below you." Tinigil niya ang pag-aayos ng mga wires.

"Kasalanan mo din to. Kung hindi mo hinabol ang hindi mo ka-level edi sana tahimik ang mga buhay natin?" Hindi niya maintindihan ang ibig nitong sabihin. "Kung hindi ka umaligid kay Kairos edi sana hindi nakikigulo sa atin si Aurora."

"Anong ibig mong sabihin?"

"W-wala." Umiling ito. Ibig sabihin ay konektado nga ito sa kapatid niya. Ibig sabihin ay parte nga ito ng kung anong plano ni Aurora. "Umalis ka na kung tapos ka na. Nakausap na namin ang abugado mo tungkol sa shares mo. Bibilhin yun ni Aurora."

"That's good," she snickered. "Isaksak niya sa baga niya itong pinaghirapan ko. Tell her na there's nothing she can do to stop me from being successful, hindi ko din ibibigay si Kairos. Over my dead body."

The time of giving has passed. Hindi niya na bibitawan ang meron siya. Kung maghiwalay man sila ni Kairos ay hindi dahil sa ibibigay niya kay Aurora, she will never give him up unless his happiness depends on it. Hanggang gusto ni Kairos na nasa paligid siya, she will stay.

And the she was out of that place again.

***

It was a tragedy how the past three weeks have been the greatest and the worst at the same time. Mabilis lang na naayos ng kinuha niyang abogado ang pagbebenta ng shares niya. They also discussed criminal consequences of what happened pero hinayaan na lang niya, para na lang sa pinagsamahan nila ni Zia. Kasabay ng lahat ng ito ay ang gumaganda nilang relasyon ni Kairos. It's becoming real by the second.

Ang dami-dami niyang plano, syempre ayaw niyang matengga ang pangarap niya kaya naman sa tulong na din ng abugado niyang si Atty. Javier ay bubuo siya ng bagong kompanya. She's going to be very careful now, sa bawat hakbang nito ay gusto niyang alam niya ang gagawin.

To pay for everything that her new business will be ay kinailangan niyang isuko ang karamihan ng mayroon siya. Ang ipon na ibibigay niya dapat sa ama niya pambayad sa lahat ng ibinigay nito ay ipinasok niya muna sa negosyo. She wants this new start so bad. Kahit ang bahay at kotse niya ay kinakailangan niya ding ibinenta para mabuo ang kapital. May kalakihan pa din naman ang natira sa kanya but she has to keep that for the rainy days.

While fixing her stuff, napaisip siya kung ano kayang sasabihin sa kanya ni Kairos. He's probably going to lecture her about her money matters and all those things. He'll probably be disappointed also na hindi siya nagsabi dito o hindi siya humingi ng tulong but that's the main reason kung bakit hindi niya dito sinabi. Gusto niyang buo na ang plano so he can he proud of her too.

Ayaw na ayaw niyang maging involved ito sa finances niya o siya sa finances nito. It's something that she never wants to touch for as long as magkasama sila ni Kairos. She wants to prove na hindi kahit na kailan dumaan sa utak niya niya ang paghahangad sa pera nito.

San Vicente 1: Tenacious ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon