CHAPTER 28

3K 80 7
                                    

"GALIT KA BA?" Hindi niya maintindihan si Kairos. Hindi siya halos pinapansin nito and he's been cold towards her. Kapag naglalambing siya he'd find a reason na pumunta sa study just to work.

"No, I'm not." Sabi naman nito sa kanya which she doesn't believe kasi nga may weird talaga dito.

"You've been like this for a few days now. Do we have a problem?" Tumingin si Kairos sa kanya, he looked like he wanted to tell her something pero hindi niyo magawa. "What?"

It has been a good month since she moved in here with Kairos. Everything was going great, and they've gotten closer over the days that came since she moved in with him. He sends her to the studio every morning and picks her up at night. That was their routine pero since a few days ago ay parang palaging masama ang timpla nito sa kanya. Like he's pissed at her or something.

"Mikaela, hindi ako galit." He said in his low voice. "Let's just eat, it's the weekend. We should rest for the week ahead."

"Aalis ako. Madami kaming tanggap sa studio na trabaho. We also scheduled the portrait shots of the doctors today." Pagpapaalala niya dito. "I told you this."

"Ah, must've slipped my mind. Pagkakain ihahatid na kita." Kairos told her.

"It's okay malapit lang ang condo ni Kuya Ethan and since pareho lang kami ng pupuntahan nagpasundo na lang ako para hindi ka na ma-hassle and so you can rest." Hindi na talaga siya nagpahatid dito kasi nga gusto niyang magpahinga ito. He has been stressed lately kaya siguro cranky ito.

"Oh. Sana tinanong mo muna ako. I wouldn't mind." Then he stood up and started walking away. "Magtatrabaho lang muna ako uli. Just text mo kung aalis ka na."

Iyon nga ang ginawa niya but Kairos did not go down or send her off. He just texted her 'ingat' and that was it. Hindi niya talaga maintindihan ito. He isn't like this. Ano bang mali?

But she decided to let him sort it out first, ayaw niyang pangunahan ito kung kailangan nito gustong sabihin sa kanya ang mga bagay-bagay, ayaw niyang maging nosy. So she left with just a glance back at the house, kahit sumilip hindi ginawa.

"Anong pinagmumuryot dito ni Kuya?" Tanong agad sa kanya ni Meg nang sagutin niya ang tawag nito.

Nasa trabaho siya ngayon, they have set up the lights and all other equipment para sa corporate shoot package na kinuha ng Murica Medical Center. Malaking project it kasi kasama din ang editing ng mga bago nilang publication materials na gagamitin para sa buong ospital at sa iba pa nitong mga branches.

"Nasa bahay ka?" Nagulat siya dito, hindi niya alam na pupunta ito sa bahay. But she processed her question, inisip niya talaga, malay niya ba kung bakit nagmumuryot si Kairos. Sana nga alam niya para naman magawan niya ng paraan. Ayaw na ayaw niyang nagkakaproblema sila ng lalaki.

"You're not answering me." Sabi nito sa kanya, matibay din talaga ang isang to. "Andito kami ni Kuya kasi may meeting kami and Kuya Kairos is extremely moody. May masama ba tong nakain? Nag-away ba kayo?"

"Ewan ko diyan." She sighed. "Hindi ko din maintindihan. I just can't understand why he's so pissed. He won't even talk to me. Nung isang araw ko pang iniisip kung bakit siya ganyan sa akin."

Thinking about it again made her uneasy again. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ito. Sana nga ay alam niya, sana ay naiintindihan niya. Ayaw niya kasi yung pakiramdam na parang ang layo-layo nila. In the beginning of them living together, masaya naman lahat, they get along well and they share everything.

"So, you guys are having a fight. That's new. Usually, one of you yields and gives way kaya walang away. It was such a good practice, anong meron?" Tama naman ito, malawak ang understanding nila ni Kairos, madaming away na ang naiwasan nila dahil dito.

San Vicente 1: Tenacious ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon