TWSG : 2

67.6K 1.1K 90
                                        

CHAPTER 2

PHAMELA

         "DOON NA RIN TAYO kumain, ate Pham. Ang sabi ni ate Steph sakin malayo daw yung pinanggalingan niyo. I'm sorry kung pinilit kita, ha?" Ngumiti at tumango lang ako sakanya. Halos hindi ako makahinga.

"You didn't let her rest, Eirene?" Biglang nanlamig ang katawan ko nang magsalita si Sir Spiro na kasalukuyang nagmamaneho papunta sa kung saan. Nasa harapan rin si Eirene habang nasa likod ako.

"I'm excited to go shopping with her, kuya. Wait, saan tayo pupunta? Hindi naman ito ang palabas ng subdivision, ah?" Tinanaw ko rin ang dinadaanan namin. Mukhang hindi nga ito.

"We're going to pick up Garret." Simpleng sabi niya.

"Huh! Don't tell me we're going to pick up Ellis, too? This shopping is for ate Pham and me lang. Si Eirlys nga ay hindi ko sinama." Nakita ko sa rear mirror ang pagkunot ng noo ni Sir Spiro.

"What's wrong with Ellis?" Ngumuso ako at tumanaw sa labas. Gusto ko talaga munang magpahinga pero nakakahiya namang humindi.

"Wala. By the way, uuwi raw sina Tito Diego and Tita Crizia together with Logan, Ryder and Ford?" Bumalik ang tingin ko kay Eirene. Natigilan ako. Bakit tumanaw sakin si Sir Spiro mula sa salamin at nagtaas pa ng kilay?

"Yeah. And so?" Mabilis akong umiwas ng tingin dahil parang sakin niya 'yon sinasabi.

"Pwedeng tayo na ang sumundo? Gusto kong ipakilala si ate Pham kina Logan. I'm sure they'll like her." Humagikgik pa ito.

"Sila dad ang susundo."

Natahimik si Eirene kaya mas lalo akong hindi nakahinga. Tumigil kami sa isang malaki ring bahay. Puro mansion ang nakatayo dito kaya para kang nagwi-window shopping ng mga bahay. Ang ganda kasi lahat. May iba ibang style.

Maya maya ay may lumabas na lalaki mula ro'n after businahan ni Sir Spiro ang bahay. May lalaking lumabas na tumatawa-tawa pa pero halatang inis. His hair is just like his eyes. Kulay brown. Medyo kulot 'yon. Ang pilikmata at kilay niya ay makapal kaya maganda 'yon tignan. Matangos din ang ilong niya ang mapula ang labi. In short, gwapo.

Lumipat si Eirene sa backseat kung nasaan ako para doon umupo sa harap 'yung lalaki. "Hell, yeah!" Sigaw nito nang makapasok sa sasakyan.

"You really want to go with us?" Tanong ni Sir Spiro. Ngumisi sakanya ang lalaki. Akmang sasagot siya pero nalipat ang tingin niya sakin.

"Woah! A girl!" Umawang ang labi ko. Nakakagulat bang nandito ako? Awkward akong ngumiti. "Hi! How are you? What's your name? Are you Eirene's bestfriend or Spiro's girlfriend? Hmm? Ngayon lang ata ako nakakita ng babaeng nagustuhan ni Eirene for Spiro."

"Phamela po..." Maikling sagot ko. Mas lumawak ang ngisi niya.

"Don't smirk at her like that, kuya Garret." Pagtataray ni Eirene. "She's our scholar and she's my friend. Don't play with ate Pham." Hindi naman natinag yung Garret.

"I'm Garret. Nice to meet you." Inabot niya sakin 'yung kamay niya. "How old are you?" Tanong niya pagkatapos namin magkamay.

"Fifteen..."

"Ow!" Para itong napapasong bumitaw sakin. "Bata pa..." Tinapik nito si Sir Spiro at tumawa. Sir Spiro shook his head pero bakas sa mukha niya na natatawa siya sa panunukso ng pinsan.

"Stop it." Natatawang sambit ni Sir Spiro. "I'm not interested,"

"You must be smart and brainy. Sana all." Hindi ko maiwasang matawa. Tinapik muli nito si Sir Spiro na nagmamaneho pa rin. "She's still young. Hintayin mo muna ng konti." Nagtawanan silang tatlo habang nag-init naman ang pisngi ko.

Trapped with Spiro GrayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon