TWSG : 73

55.5K 666 142
                                    

CHAPTER 73

PHAMELA

                 "BAKA MALAGLAG KA r'yan!" Inis kong hinila si Skyros dahil pumupunta siya sa dulo ng yate. Umaandar pa naman kami. Paano kung mahulog siya? "Kung gusto mong lumapit do'n, magsuot ka ng life vest, anak."

Lumuhod ako para magpantay kami. Ngumuso siya sa harap ko.

I realized na walang kwenta ang pagluhod ko because my son is already tall. He's not tiyanak anymore. He grew up so well. I kneeled so I could baby him, pero matangkad na talaga siya. I can't baby him anymore.

"I'm sorry... Natakot lang si mama na malaglag ka r'yan," Inayos ko ang buhok niya.

"Sorry po..." Tipid akong tumango at hinayaan siyang pumasok sa loob ng yate. Isang sobrang laking yate itong sinasakyan namin na pagmamay-ari ni Ryder.

Palubog na ang araw nang magdesisyon kaming sumakay rito para pumunta sa kabilang isla na pagmamay-ari ni Logan.

Pinagmasdan ko si Kelaya na ngayon ay badtrip dahil hindi siya pinayagan ng mommy niya na kumain ng ice cream since sinabi ng doctor na umiwas muna sa malalamig dahil bago pa lang ang baby.

Nilapitan ko siya. Unti unting nag-liwanag ang mukha niya nang makita akong papalapit. She smiled at me immediately. She looks beautiful. There's no gender of the baby yet.

"Ate Pham!" Tili niya at umusog. "Dito ka, dali!" Natawa ako bago ako umupo sa tabi niya.

"Pinaglilihian mo ata ako," bungingis ko.

"Okay lang, 'no! I'm sure magiging kasing ganda at talino mo ang baby ko," ngumuso ako at hinaplos ang t'yan niya. Parang dati ay kulay pula pa ang buhok niya at nakikipag-away pa sa school. Ngayon, may anak na rin siya.

"Tingin ko, babae 'to." I smirked at her. Napatingin ako sakanya nang hinid siya mag-salita. Nakatitig lang siya sakin gamit ang malungkot niyang mga mata. "Bakit?"

"Are you okay now?" ngumiti ako sakanya.

"Ayos na 'ko, Kelaya." I lied. Nangilid bigla ang luha niya. "Oh, 'wag kang umiyak," nakangiting sambit ko. "Maayos na ako ngayon. Tatlong taon rin 'yon. Hindi naging madali pero sabi ko naman, I'm stronger than this."

Yumakap siya agad sakin. "I really admire you since then..."

Siya ang nakasama ko habang nasa gitna kami ng dagat papunta sa kabilang isla. Naglalaro kasi ang anak ko habang si Spiro naman at ewan ko ba at laging naka-dikit kay Garret at parang natatae sa kaba.

Tumingin ako sa langit. Napangiti ako dahil ang ganda ng kulay no'n ngayon. Pinaghalong kulay pink at orange. Siguro dahil papalubog na ang araw.

"Phamela, tawag ka ni Spiro ro'n," biglang sumulpot si Garret. Tinuro niya si Spiro na nasa dulo ng yate at mukhang naghihintay nga siya sakin.

"Bakit daw?" tumayo na rin ako.

"I don't know."

Kinunot ko ang noo ko habang naglalakad ako papunta kay Spiro. He's wearing his white shirt at pang-beach na shorts. Ngumisi siya nang makita akong lumalapit sakanya.

"Bakit?" Nilahad niya ang kamay niya sakin kaya sumama naman ako. Nasa pinaka-nguso kami ng yacht at sobrang hangin dito. Kinulong niya ako sa pagitan ng mga braso niya nang mapunta ako sa harap niya. I chuckled because of that. Gusto lang pala niya akong yakapin. "Naglalambing ka ba?" Mahina akong tanong.

"Uh-huh," hinalikan niya ang pisngi ko.

Hinilig ko ang sarili ko sakanya. Dapat masanay na ulit ako sakanya.

Trapped with Spiro GrayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon