CHAPTER 17
PHAMELA
HINDI KO ALAM KUNG paano ko natagalan ang pangyayaring 'yon nang magsalita si Garret ng tungkol samin ni Spiro. Mabuti na lang at hindi niya tinuloy nang makita niya akong kinakabahan ng sobra. Sa huli ay nag-kwento ang mag-asawa sa kung anong pinuntahan nila sa loob ng konting oras.
Sobrang bilis lumipas ng mga araw. Parang kumurap lang ako tapos ay lumipas na ang ilang buwan! Oo! Gano'n kabilis para makapunta na agad tayo sa sentro ng istoryang 'to!
Nag-birthday si Spiro na kasama kaming pamilya niya. Hindi natuloy ang outing namin sa resort kaya naman sa iba na lang niyang birthday.
Maraming birthdays pa ang lumipas. Birthdays nilang lahat. Masayang masaya ako dahil kasama ako sa lahat ng birthdays nila! Sa mga okasyon at sa lahat. Ni hindi na ako umuuwi kay Mama dahil sa pamilyang meron ako.
Ni hindi ko naramdamang hindi ako kabilang sakanila. Kahit na hindi nila ako kaano ano, ramdam ko ang pagmamahal nila sakin.
Hindi ko sasayangin ang pamilyang meron ako. Hinding hindi ko ito iiwan sa kahit anong dahilan.
"Happy birthday, Phamela! I love you so, so much!" Naiiyak na sabi ni Ma'am Brie at inabutan ako ng regalo.
Oo, birthday ko ulit.
"Mahal ko rin po kayo," Yumakap ako sakanya at hindi na napigilan ang sobrang emosyon.
Ilang taon na 'ko rito. Ang tagal ko nang nasa kanila at hindi ako nagsisising sumama ako papunta rito. Gusto gusto ko rito sakanila. Mahal na mahal ko ang pamilyang ito!
"Aw, stop crying, Pham-pham." She kissed my cheek.
"Thank you po... Maraming salamat sa lahat." Natigilan ako nang maramdaman ko ang sipon kong tutulo. Kumuha agad ako ng tissue sa hiya kong baka biglang mahulog ang sipon ko.
"Happy 18th..." Sir Dereck came to hug me. Yumakap din ako sakanya at mas naging emosyonal pa.
Tatlong taon... tatlong taon na 'kong nandito sakanila at dinadama ang pagmamahal nila sakin.
Mas lalo akong naiyak nang sumali sila sa yakapan namin. Nandito ang buong pamilya, syempre. Gusto nilang gawan ako ng party pero nagmakaawa akong huwag na dahil hindi talaga ako mahilig sa gano'n.
Naninikip ang dibdib ko habang nakayakap sa apat lalaking pinaramdam sakin ang pakiramdam na mahalin ng ama.
Sina Sir Dereck, Sir Jackson, Sir Diego and Sir Shawn. Wala akong nararamdamang ilang sa katawan dahil kung ano anong sinasabi nila saking nakakatawa para tumahan na pero hindi ko magawa.
Ito lang naman ang gusto ko noon pa. Gusto ko lang naman ng tatay na katulad nila... mahirap bang ipagawa 'yon sa tatay ko?
Bakit ang ibang tao, nagagawang magpaka-pamilya sakin? Bakit yung sarili kong totoong pamilya, hindi?
"Tahan na," Ginulo ni Sir Jackson ang buhok ko.
Sumisinghot akong kumalas sakanya at hindi na alam ang gagawin para punasan ang luha.
Eirene came to hug me. Sumunod na rin ang iba kaya umiyak ulit ako! Hindi ko alam pero naalala ko ang kapatid kong si Peach. Kahit naman masama ang loob ko sakanya, mahal na mahal ko parin siya r'yan!
"Why are you crying ba? Tahan na! 18 ka na, oh! You can have a boyfriend na." Panunukso ni Eirene. Tumawa lang ako at tumahan na.
Natapos ang gabing 'yon sa salo salo namin. Kumain kami hanggang sa hindi na namin kayang dalhin pa ang pagkain sa mga t'yan namin.
BINABASA MO ANG
Trapped with Spiro Gray
Storie d'amore[ Hurricane Cousin's : Spiro Gray ] "You are trapped with me... Forever." - Spiro Gray Rivera. Phamela Ibañes was studying under Dereck Rivera's family. She was studying peacefully not until she entered into an open relationship with her sponsor' so...