TWSG : 39

53.9K 762 182
                                        

CHAPTER 39

PHAMELA

               HINDI KO ALAM kung paano ko nalagpasan ang araw na 'yon. Ang buong pamilya nila ay gulat na gulat nang malaman nilang may relasyon kami noon ni Spiro at nagka-anak pa kami.

Lahat sila galit hindi lang sakin kung hindi pati na rin kay Spiro dahil siya raw ang mas nakakaintindi samin dahil siya raw ang mas matanda pero pinatulan niya parin ako.

May mga asawa na ang ilan sa mga pinsan ni Spiro pero masyado akong lutang para maalala pa ang mga pangalan nila. Masyado rin akong busy sa pagpapakain kay Skyros.

Nasuntok pa si Spiro kanina ng daddy niya dahil hinayaan daw nitong mangyari 'yon. Malamig ang trato nilang lahat sakin at hindi ako nagrereklamo dahil kasalanan ko rin naman. Pero kagaya nga ng sinabi ko, ito parin ang magiging desisyon ko kung sakali.

Kung galit sakin ang mga matatanda ay mas galit sila kay Spiro. Sobrang bata ko pa raw kasi and Spiro is older than me noon. Galit na galit sila dahil sa nalaman nila. Kulang na lang ay sakalin nila si Spiro.

I wanted to explain my side. I want them to know how much I loved them. How much I missed them. Pinipilit ko na lang lunukin ang pagkain habang kasalo sila dahil sobrang bigat ng aura.

Ginawa ko ang lahat kanina para hindi umiyak. Sir Dereck is mad pero wala siyang ginawa o sinabing masakit sakin. Tahimik lang siya at hindi maalis ang tingin kay Skyros habang ang asawa't mga anak naman niya ay matatalim ang tingin sakin at nagpaparinig habang nasa hapag kami maliban kay Eirlys.

Malambot ang tingin sakin ni Snow at nang matapos kaming kumain ay niyakap niya ako. Kahit paano ay naramdaman kong may kakampi ako.

Ma'am Loraine, Ma'am Crizia, and Ma'am Tania are the same like Ma'am Brie. Matatalim ang tingin nila sakin pero sa una lang gano'n si Ma'am Crizia. She talked to me privately and she told me to understand them. May karapatan silang magalit sakin kaya gano'n.

Their husbands are just cold to me. Hindi nila ako tinitignan pero bakas ang iritasyon ni Sir Shawn at Sir Diego sakin habang si Sir Jackson ay pinipilit pagaanin ang loob ko sa pamamagitan ng mga ngiti niya.

Nagkasagutan si Eirene at Eirlys dahil pilit pinapalayo ni Eirene sakin si Eirlys kaya nagkasagutan ang mga ito. Inawat lang sila ni Kyle.

Sa kanilang lahat, tatlo lang ang nakaintindi sakin. Snow, Ma'am Crizia, and Sir Jackson. Umaasa akong gano'n rin si Spiro pero hindi.

Wala si Garret at Ellis that time.

Eirene, Kyle, Keinna, Klaus, Ciarra, Logan, Ryder, Ford, Kelaya, Azariella, Matthias. Kung hindi sila galit sakin ay iritado naman.

Nang makahanap ako ng tyempo ay nagpaalam akong pupunta lang sa banyo para mag-pee pero umiyak lang ako pagdating do'n. Alam ko namang galit sila sakin pero kahit konti ba, hindi nila maintindihan ang naging desisyon ko? Wala sila sa sapatos ko nang nangyari 'yon!

"Matulog ka na, baby..." Napapaos ang boses kong sambit. Hinaplos ko ang ulo ni Skyros habang nakahiga kami sa kama niya. Dito na siya matutulog at plano kong dito na rin matulog dahil natatakot ako kay Spiro. Kanina parin kami nakauwi.

"Goodnight, Mama," Hinalikan ko ang noo nito.

"Goodnight, Sky."

Pinanood ko siyang unti unting nakatulog. Aayos na rin sana ako ng higa nang biglang may tumikhim. Tinignan ko si Sky kung siya ba 'yon pero tulog na tulog naman siya.

"Why are you still here?" Tinignan ko ang pinto kung nasaan si Spiro at masungit na nakatingin sakin.

"Pinapatulog ko pa si Sky," He arched his brow.

Trapped with Spiro GrayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon