CHAPTER 6
PHAMELA
“CLASS, DISMISSED.” Tumayo ako nang magsabi na ang adviser namin ng dismissed. Uwian na. Medyo kinakabahan ako kasi makikita ko na naman si Mama.
Pumunta ako sa bench para maghintay pero nauna na sila ro'n. I smiled when I saw Kelaya with Kyle.
"Nag-iinarte sila kasi ang sakit daw sa mata ng buhok ko. Bakit? Ako ba nagreklamo kapag sumasakit mata ko dahil sa pagmumukha nila?" Pagtataray ni Kelaya habang pinipitik ang buhok niya.
"Oh! Dad's here!" Tumayo si Eirlys at tinignan ang papalit na si Sir Dereck. He's wearing a fitted pants and long sleeve button shirt na kulay grey. Naka-sunglass din ito kaya pinagtitinginan siya.
"Hey," He kissed Eirlys forehead. "May sakit si Manong kasi ako ang susundo."
"Where's mommy?" Eirene asked.
"Cooking." Palihim akong napangiti. Masarap kasing magluto si Ma'am Brie kaya gustong gusto ko kapag nagluluto siya.
"Let's go na, Tito? Baka may masakal ako, e." Sabat ni Kelaya habang may inarapan sa kabilang banda. Tumawa lang si Sir Dereck at tumango.
"Yeah, let's go." Tumayo na rin ako. "Wait, Pham, you're not going with us." Bigla akong natigilan. Parang kinurot ang dibdib ko.
"P-po?"
"Oh, Spiro will pick you up." Para akong nabunutan ng tinik sa sinabi niya. I get it. Akala ko iiwan na nila ako dito.
"S-sige po." Napakamot ako.
"Why? Where are you going, Ate Phamela?" Eirene asked.
"Sa bahay. Bibisitahin ko si Mama. Mauna na kayo." Ngiti ko rito. Humalik muna siya sakin bago sila umalis.
Naghintay pa ako saglit. Muntik na ako mawalan ng pag-asa na susunduin niya ako nang bigla siyang sumulpot sa harapan ko. Pinagpapawisan. Para siyang tumakbo papunta dito.
"I'm sorry. I'm late." Kumunot ang noo ko. Nilabas ko ang mineral water ko at inabot 'yon sakanya.
"Inom ka muna." Inabot ko din sakanya ang panyo ko. He smirked and nodded. "Parang nagmadali ka papunta dito. Hindi naman ako mainipin."
"Late lang nagpalabas prof namin. Sorry." Tumayo siya at kinuha ang bag ko. "Let's go." I bit my lower lip and walk after him.
Pinagbuksan niya ako ng pinto sa passenger seat. Medyo nagugutom na rin ako. Pwede kayang kumain na muna kami? Parang mahihimatay na ako.
"Pwede ba tayong bumili muna ng pagkain? Medyo malayo rin kasi ang bahay namin. G-gutom na ako." Nag-angat siya ng kilay sakin.
"Where do you want to eat?" Tanong niya. "Can you type your address here?" Inabot niya sakin yung phone niya. Nakita kong naka-open na yung Waze. Nilagay ko 'yon ulit sa harapan nang ma-type ko na ang address namin.
"Kahit saan na lang. Gutom ako, e." I smiled. Nag-drive thru kami at kumain saglit. "Okay lang ba na gabihin tayo?" Tanong ko.
"Yeah. Kahit hindi tayo umuwi ngayon ayos lang." Pasimple akong napalunok. Anong ibig niyang sabihin? Doon kami matutulog kay mama? Baka hindi sanay 'tong si Spiro sa walang aircon? "Kidding." Tumawa pa siya.
We talked a lot habang nasa kalagitnaan kami ng byahe. Puro school at mga random question ang tinatanong niya na sinasagot ko rin.
"Dito ba?" Tanong niya. Medyo madilim na rin ang langit.
"Kumaliwa ka tapos yung green na gate, samin 'yon." Sinunod niya ang sinabi ko. Nag-park siya ng sasakyan sa tapat ng gate namin. Nakikita ko na agad ang nga tsismosang kapitbahay namin na nakatingin sa kotse ni Spiro.
BINABASA MO ANG
Trapped with Spiro Gray
Romantiek[ Hurricane Cousin's : Spiro Gray ] "You are trapped with me... Forever." - Spiro Gray Rivera. Phamela Ibañes was studying under Dereck Rivera's family. She was studying peacefully not until she entered into an open relationship with her sponsor' so...