CHAPTER 34
PHAMELA
TININGALA KO ANG malaking building ng Rivera Empires. Nandito kaya ang lalaking 'yon? Siya lang kaya mag-isa dito? Paano kung nandito ang mga kapatid o pinsan niya? Baka ipagtulakan nila ako at palayasin. Ano? Isisigaw ko na lang na may anak kami at ang address sabay takbo?
I took a deep breath. "Para kay Skyros..." I tried to smile at myself pero kinakabahan talaga ako.
Pumasok ako sa building nila. Hinanapan nila ako ng ID bago ako hinayaang pumasok. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero humarang ako ng isang empliyado.
"Uhm, hello. Pasensya ka na. Itatanong ko lang sana kung nandito ba si Mr. Rivera?" Ngiti ko sa babae. She arched her brow bago nagturo doon sa desk.
"Doon ka magtanong, Miss. Direkta 'yan sa secretary ni Mr. Rivera para mabigyan ka ng permisyo na umakyat sa opisina." Napangiti ako.
"Salamat!"
Nilapitan ko agad ang mga babae ro'n na busy. Tumingin agad sakin ang pinaka-matanda. I tried to give her my sweet smile.
"Good afternoon, po. Itatanong ko lang po kung nandyan si Mr. Rivera?" Pinasadahan niya ako ng tingin.
"Before anything else, may schedule o appointment ka ba kay Mr. Rivera?" Umawang ang labi ko. "We need to inspect you first. Security!" Nanlaki ang mga mata ko nang may lumapit na dalawang security. "Inspect her. Aakyat 'yan kay Mr. Rivera."
"Ah..." Aangal pa lang sana ako pero may mabilis na pang scan ang umikot sa katawan ko. Pinaikot rin ako at pati ang buhok ko ay nadamay pa. Kinakalkal naman ng isa ang bag ko.
"Clean po." Sabi ng security. Napangiwi naman ako. Ano naman sa tingin nila ang gagawin ko? Babarillin ko si Spiro?
"Okay. I'll call his secretary." Tipid akong tumango. "Yes. May babae rito sa first floor, she's looking for Mr. Rivera. Wala siyang appointment and schedule, but she's clean." Tinignan ako nito.
Umiwas ako ng tingin. Ganito pala kahigpit dito. Hindi ko alam.
"Well, she's pretty and tall. Kulot ang buhok at matangos ang ilong." Hinarap ako nito. "What's your name, hija?" Napalunok ako. Hindi ko pwedeng sabihin dahil baka ipahila ako palabas ni Spiro!
"Ah, surprise po kasi. Pakisabi na lang na kaibigan ako ni Spiro." Kumunot ang noo niya pero pumayag din.
"Okay, thank you." Binaba nito ang tawag. "Nando'n ang elevator, Miss. Magpahatid ka sa CEOF. Mr. Rivera's waiting."
Nagpasalamat ako bago ko binitbit muli ang bag ko papunta sa elevator. Nangangatog ang binti at kamay ko pero nagawa kong pindutin ang button.
Pumasok ako sa elevator para magpahatid sa floor ni Spiro. Napangiwi ako nang mapunta na ako sa floor ni Spiro.
Ang sabi ni Nikos nasa France daw si Kyle at nakabuntot kay Keinna dahil sa cute nitong anak. Wala akong balita kay Snow at Eirene.
Halos mabutas ang dibdib ko sa lakas ng tibok nito nang makarating ako sa floor ni Spiro. Sinalubong agad ako ng secretary niya at sinabing pumasok na raw ako dahil may schedule pa si Spiro mamaya.
"Sir, may bisita po kayo. Kaibigan niyo raw." Napangiwi ako. Kaibigan? Hindi ko maalalang naging kaibigan ko si Spiro.
"Who? Ethan? Agatha?" Halos mangatog ako nang marinig ko ang boses ni Spiro.
Sa boses pa lang niya ay may nagbago na. Mas lumalim at mas naging husky? Huh? Ano bang iniisip mo, Phamela?! At sinong Agatha?
"Hindi po sinabi, e."
BINABASA MO ANG
Trapped with Spiro Gray
Romance[ Hurricane Cousin's : Spiro Gray ] "You are trapped with me... Forever." - Spiro Gray Rivera. Phamela Ibañes was studying under Dereck Rivera's family. She was studying peacefully not until she entered into an open relationship with her sponsor' so...
