CHAPTER 25
PHAMELA
COOL LANG ANG relationship namin. Walang lumalabag sa rules. Mas madalas na rin kaming lumalabas and I'm taking pills. Walang problema sa relasyon namin sa loob ng ilang buwan Cool lang ang lahat.
Not until nag-umpisang lumabas labas si Spiro na hindi man lang sinasabi sakin kung saan siya pumupunta. Umuuwi siya ay kinabukasan o kaya madaling araw na.
Nanibago ako roon. May ibang babae na kaya siya? Pero hindi naman pwede 'yon... Tingin ko ay wala siyang babae dahil nandoon parin ang kislap ng mga mata niya kapag nagkakatinginan kami. 'Yun nga lang ay sa loob ng ilang buwan naming magkarelasyon ay ni minsan hindi niya sinabi sakin na mahal niya ako.
Gano'n ba talaga kapag nasa open relationship?
"Phamela, hija, what do you want?" Natauhan ako nang tinawag ako ni Ma'am Loraine na namimili ng nga dress. Ako ang sinama niya.
"Kahit ano po..." Isang beses ko lang naman susuotin 'yon. She arched her brow kaya napatayo ako at lumapit sakanya.
"Hindi pwedeng kahit ano. Malapit na yung laban mo, right? Next month?" Ngumuso siya at kinuha ang kulay gold silk dress.
Sa buong strand and grade namin ay ako ang napili nilang ipang-laban sa Ms. Campus. Hindi naman ako umangal dahil inisip ko na isa 'yong challenge in life. Nakasama ako sa Top 6 last month at next month naman ang coronation. Tiwala naman akong makukuha ko ang korona.
"Next month na po..."
"Very well. Pat?!" May tinawag siyang bading na nakakulay pink at may ribbon pa sa buhok.
"Yes, madam?"
"This is my niece. I want you to pick her a very beautiful dress for Ms. Campus." Pumalakpak ang bading at nagsimulang makipag-usap kay Ma'am Loraine.
Sa kabilang banda ay tinignan ko ang phone ko. Hindi pa siya tumatawag o nagte-text. Hindi na nga kami halos nagkikita sa bahay dahil masyado akong busy.
"Miss Pham, sukatin niyo na ito." Malambing na sabi ni Pat. Tumayo agad ako at lumapit sakanya. Tumango lang sakin si Ma'am Loraine.
Apat na damit ang pinasukat sakin. Ang isa ay para sa first look. Rarampa lang ang damit at papalitan na. Then sports attire, talent show, final look. Kulay gold ang unang dress na sinuot ko. Lumabas agad ako para ipakita 'yon kay Ma'am Loraine.
"Beautiful!" Abot langit ang ngiti niya. Hindi ako kinakabahan sa Ms. Campus dahil lumipat na sina Eirene sa Campus dahil senior high na rin ang mga ito.
"Anong sports ang napili mo, hija?" Tanong ni Ma'am Loraine.
"Swimming po." 'Yon kasi ang nabunot ko. Lumapit agad siya sa mga swimming attires kaya sumama ako agad sakanya.
"What do you prefer, one piece or two piece?" Napangiwi ako. Ayokong gumanon sa school pero wala naman akong magagawa.
"One-piece na lang po."
Kinuha niya yung kulay pulang one-piece. May kinuha rin siyang manipis na tela na ilalagay sa ibabang bahagi ng katawan ko. Napangiti ako sa ganda nito.
"Try this." Tumango ako at bumalik na sa fitting room. Exclusive ang buong boutique para samin dahil maglalakad ako sa labas na nakaganito and Ma'am Loraine is being conservative when it comes to me.
Hindi fitted sa crotch ang one-piece kaya maganda ito. Tinali ko rin sa bewang ko ang manipis na tela. Nilabas ko si Ma'am Loraine na malaki ang ngiti sakin.
BINABASA MO ANG
Trapped with Spiro Gray
Romance[ Hurricane Cousin's : Spiro Gray ] "You are trapped with me... Forever." - Spiro Gray Rivera. Phamela Ibañes was studying under Dereck Rivera's family. She was studying peacefully not until she entered into an open relationship with her sponsor' so...