TWSG : 51

46.4K 684 65
                                    

CHAPTER 51

PHAMELA

       UNTI UNTI AKONG dumilat para mabungaran ang puting kisame. Hindi ko na kailangan ilibot ang paningin ko para malaman kung nasaan ako dahil amoy pa lang ay alam ko na. Nasa hospital ako buong dalawang linggo noong pinanganak ko si Sky.

"Hala, gising ka na pala, Miss." Tinignan ko ang nasa gilid ko. Isang babaeng nurse na chinicheck ang vital signs ko.

"A-anong nangyari?" Napapaos kong tanong.

Ang huling naaalala ko ay nagkakagulo at inaakay nila ako. Sabi rin nila ay dinudugo ako. Maybe it's just my period dahil hindi ako nagkaroon noong nakaraang buwan at nitong buwan.

"S-sobrang lakas ba ng period ko?" Umupo ako kaya inalalayan niya agad ako.

"Ho? E, paano kayo magkaka-period kung buntis kayo?" Napakurap ako. "Kaya ka nga po isinugod dito dahil dinugo ka."

Nanlamig ang buong katawan ko. Buntis ako? Buntis na naman ako?! Si Spiro na naman ang ama? Ang hayop na 'yon?! Bakit?! Nag-iingat na kami! Akala ko gumagamit na siya ng condom? Kung alam ko lang, sana ako na lang ang gumamit ng pills at nag-alarm na lang ako!

Isa pa, dinugo ako? Kamusta ang baby ko? Kahit hindi ko ginustong nandito siya ay anak ko parin siya.

"K-kamusta ang baby ko?" Nag-aalalang tanong ko.

"Maayos ang lagay ni baby. I suggest na don't stress yourself too much dahil humina ng kaonti ang kapit ng baby mo dahil nga dinugo ka." Niyakap ko ang sarili. Hindi pa pala ako kumakain ng lunch kanina.

"B-baka magutom ang baby ko. Hindi pa ako kumakain ng lunch." Napangiwi ako. Wala ako sa private room at nandito lang ako sa pang-public at tanging curtains na lang ang naghihiwalay sa mga pasyente.

"Magpapadala po kami ng pagkain. For awhile, magpahinga ka muna then tatawagin ko si Doc para siya ang mag-explain sayo. Pwede ka na rin ma-discharge." Tumango ako.

"Salamat, Nurse." Ngumiti siya sakin bago umalis.

Sumandal ako sa unan na nasa likod ko at tumulala. I can't believe it. I'm pregnant again. Problema ito. Ikakasal na si Spiro, paano kung magalit siya at kung ano na ang gawin sa anak namin?

Calm down, Phamela. You have to trust him. Kailangan kong magtiwala kay Spiro this time. I know he can't get rid of our baby.

Tumulo ang luha ko pero agad ko 'yon inalis. Hindi ako pwedeng ma-stress. May baby ako. Sa kabilang banda ay napangiti ako. I'm a mother again. Kuya na si Skyros. Ano kaya ito? Lalaki? Babae?

"Miss Phamela Ibañez," Dumating ang lalaking poging doctor. Nakangiti ito agad sakin. "How are you feeling?" Hinawakan niya ang pulso ko saglit.

"Okay lang, Doc. Gutom lang po. K-kamusta ang baby ko?" Kinagat ko ang ibabang labi ko.

"Maswerte ka at naagapan ang pag-punta sayo rito sa hospital. Humina ang kapit ng baby mo pero may mga vitamins na pwedeng magpalakas ng kapit niya. Don't you ever skip the vitamins na irereseta ko. Avoid eating cold foods, drinks, and avoid stress. As much as possible, 'wag iiyak." Ngumuso ako at tumango. "No jumping, no running, just walk. At mas lalong hindi ka pwedeng ihagis. No rough sex, too."

"Malalaman na po ba ang gender niya? Heartbeat?" He laughed. Kumuha siya ng upuan para umupo sa gilid ko. Close ba kami?

"We checked the heartbeat, normal ang heartbeat ng baby. About the gender, pwede kang bumalik dito after two weeks para malaman ang gender ng baby." Kumunot ang noo ko.

"That fast? I mean, ilang weeks na po ba akong buntis?"

"Probably, 17 weeks pregnant." Nalaglag ang panga ko at napaayos ng upo. Totoo ba?! 17 weeks?!

Trapped with Spiro GrayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon