CHAPTER 26
PHAMELA
"PHAMELA, PLEASE..." Hindi ko tinignan si Spiro na humaharang sa daan ko habang papunta ako sa locker room. "Please..."
"Ano pa bang ginagawa mo rito? Busy ako!" May pupuntahan pa akong small orientation mamaya para sa Ms. Campus dahil malapit na 'yon.
"Mag-usap tayo." Kinuha niya ang bag ko. Hinablot ko agad 'yon pabalik.
"Ayaw kitang kausap."
It's been two weeks! Oo, dalawang linggo na kaming wala ni Spiro. He didn't stop pursuing me in two weeks. Hindi ako nagpapabebe o ano. Ayaw ko lang talagang makipag-balikan pa.
"I won't talk with someone else. I promise!" Humarang siya lalo sa harap ko. "I'm sorry..." Nararamdaman ko naman ang sincerity niya.
"Spiro..." Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko. Mabuti na lang at wala masyadong tao rito ngayon.
"I beg you..." Hinalikan niya ang mga kamay ko.
Unti unti akong tumango kinalaunan. Naawa ako dahil dalawang linggo na rin simula nang makipag-hiwalay ako sakanya. Dalawang linggo niya na rin akong sinusuyo.
Akala ko pagkatapos namin magbalikan ay magiging maayos na ang lahat. Akala ko titino na siya pero hindi... Nakikita ko siya sa Campus na may kasamang iba't ibang babae. Sa twing tinatanong ko siya kung sino 'yon, ang lagi lang niyang sagot ay hindi niya naman daw mga girlfriend 'yon.
Gusto kong magalit. Gusto kong magalit sakanya dahil sa ginagawa niya pero alam ko naman sa sarili ko na wala siyang nilalabag na rules. Minsan ay tinanong ko rin ang isa sa mga babaeng kasama niya at sinabi rin ng mga ito na hindi sila magkarelasyon.
Dalawang buwan na lang ang natitira bago ako mag-college. Sa dalawang buwan na 'yon ay binigyan kami ng mas maayos na buhay ng mga teachers especially me. Dahil busy ako sa upcoming Ms. Campus ay bibigyan ako lagi ng pabor.
"Miss Phamela, are you ready for upcoming Ms. Campus?" Nakasalubong ko ang isang teacher na lalaki. Nakangiti ito sakin kaya ngumiti rin ako.
"Yes, sir." Unti unting nawala ang ngiti ko nang pinasadahan niya ako ng tingin.
"Goodluck..." Tipid lang akong tumango at nagmamadaling pumunta sa building ng mga college. Bumagal ang lakad ko nang makita si Spiro na may ka-holding hands.
Nagtama agad ang mga mata namin. Inalis niya agad ang pagkakahawak niya doon sa babae at kumaway sakin. Napakurap ako at pinilit na ngumiti. Kahit labag sa loob ko ang paglapit ay ginawa ko parin.
Nagbulag-bulagan at nagbingi-bingihan ako sa lahat...
"Tara na?" Tumango ako. "Garret can't go with us. May pupuntahan rin sina Eirene. It's just you and me..." Mahina akong ngumiti.
"O-okay..." Pinanood ko si Spiro na nagpaalam sa babaeng kasama niya. Ngumisi sakin ang babae na para bang nangmamaliit. Nag-iwas lang ako ng tingin sakanya.
"Sino 'yon?" Tanong ko nang hindi ako nakapag-pigil.
"She's just a friend."
Pumunta kami sa parking lot. Hinayaan ko siyang mag-drive pero napaigtad ako dahil hindi ito ang daan pauwi!
"Oh, bakit?" Nag-taas ako ng kilay dito. Inosente lang siyang tumingin sakin.
"What?" Ngumuso siya. Alam ko na agad kung bakit dito kami dumadaan. Kung bakit hindi kami uuwi! Sinamaan ko siya agad ng tingin.
"Bakit mo 'ko niyayang mag-date? Asan na yung ka-date mo kanina?" Ngumiwi siya sa sinabi ko. Ano? Patay malisya? Kung tadyakan ko kaya siya palabas ng kotse?
BINABASA MO ANG
Trapped with Spiro Gray
Romance[ Hurricane Cousin's : Spiro Gray ] "You are trapped with me... Forever." - Spiro Gray Rivera. Phamela Ibañes was studying under Dereck Rivera's family. She was studying peacefully not until she entered into an open relationship with her sponsor' so...
