TWSG : 41

41.1K 563 55
                                    

CHAPTER 41

PHAMELA

                HINAWI KO ANG buhok ko na humaharang sa mukha ko habang naglalakad papunta sa pinto. Nakapikit pa ang isa kong mata nang binuksan ko ang pinto ng kwarto. Sinalubong ako ni Skyros ng yakap.

"Good morning, Mama!" Ngiti nito. "Gising na po si Papa?" Umiling ako rito.

"Tulog pa siya, Skyros..." Tumango naman siya. "Bakit ang aga mo magising, hmm?" Bumungisngis siya bigla.

"Punta raw po kasi kami ni Papa sa trabaho niya mamaya habang nasa trabaho ka raw po. San po ikaw pupunta, Ma? Ano pong trabaho?" Hinaplos ko ang mukha niya.

"Modeling parin, anak." Sinarado ko ang pinto ng kwarto. "Gusto mo ba ng potato chips, hmm?" Sunod sunod naman siyang tumango.

Pumunta kami sa kitchen. Nakasunod siya sakin. Tinignan ko ang wall clock at nakitang 8 AM na. Mamaya pa namang 10 AM ang punta ko sa agency na 'yon para sa FHM. Ang sabi rin ni Peach ay hindi ko na kailangan magdala ng sexy'ng damit.

"Halika, baby. Bubuhatin kita." Ngisi ko kay Sky para mailagay ko siya sa island counter.

"Hindi na po, Mama. Kaya ko na po." Sabay hila nito sa upuan.

"Ikaw ang bahala."

Kumuha ako ng limang potatoes. Binalatan ko 'yon ay hiniwa hiwa pagkatapos ay inutusan ko si Sky na ilagay ang mga 'yon sa bowl na kinuha ko para manigas dahil may laman iyong malamig na tubig.

Inayos kong mabuti ang init ng mantika dahil baka masunog ang mga patatas o kaya mahilaw. Habang nagluluto ako no'n ay naisipan kong magluto na rin ng almusal.

"Mama, sabi po ni tito Garret ko, may mga pamilya raw pong madaming anak. Ibig sabihin po, madaming kapatid." Wala ako sa sariling tumango ako

"May mga gano'n nga, baby. Parang si papa mo. Maraming kapatid." Ngiti ko sa anak.

"Bakit po ako walang kapatid? Yung iba po meron." Napangiwi ako.

"K-kasi..." Ano bang isasagot ko rito? Baka mamaya ay bigla itong manghingi ng kapatid!

"You want a sibling, Skyros?" Namilog ang mga mata ko nang makitang sumulpot si Spiro na bagong gising pero malaki na agad ang ngisi.

"Papa! Opo! Gusto ko po." Nasamid ako bigla. Sinasabi ko na nga ba!

"Say it to your mom. Siya ang magdadala sa kapatid mo." Ako naman ang hinarap ni Skyros. Punong puno ng pag-asa ang mga mata niya.

"Mama! Gusto ko po no'n! Gusto ko po ng kapatid, Ma!"

"A-ano?" Shit! Ayoko na!

"Please po, Mama ko."

"H-hindi pa pwede, baby."

"Bakit po?" I massaged my temple.

"K-kasi... Uh. Basta. Hindi pa pwede."

"Pero kayo po magdadala sakanya, diba?" Unti unti naman akong tumango.

"O-oo. Katulad mo."

"Saan mo po siya dadalhin? Sa bag po ba?" Natawa ako sa sinabi niya at gano'n din si Spiro kaya naman siya na ang sumagot sa kakulitan nito.

Bigla ko tuloy naalala yung mga pictures ko noon na buntis. Lahat naka documentation mula sa pagbubuntis, mga pinaglilihian ko, labor, unang picture ni Skyros, unang picture naming dalawa, his all firsts. Nasa album lahat 'yon sa bahay.

"Sabihin mo po sakin kapag dala mo na po siya, ah? Gusto ko na po no'n!"

"Sige..." Sinubukan kong hindi ngumiwi. Nakita ko si Spiro na hinahanda na ang hapag namin at nakangisi pa.

Trapped with Spiro GrayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon