CHAPTER 5
PHAMELA
MAAYOS KONG NAIPASA ang project na nagawa ko after one week. On time and no violation. Napuri rin ako ng teacher dahil ako raw ang may pinakamagandang sagot.
Nasa bench ako at naghihintay kila Eirene. Dito kasi ang hintayan namin kapag uuwi at kung hindi sila makakasabay, itetext nila ako.
Maya maya ay dumating na ang nakasimangot na si Eirlys kasama si Kyle na nakangisi sakanya.
"Hi, ate Pham." They greeted me.
"Hi." Ngiti ko.
Sa kabilang banda ay nakita ko sina Azariella, Kelaya and Matthias na naglalakad na palabas ng school. They waved their hands to us kaya tumango ako.
Maya maya ay lumabas na rin si Eirene, Keinna, Klaus, at Ciarra. Eirene kissed Keinna, Ciarra and Klaus bago pumunta samin. Tumakbo palapit si Keinna kay Klaus na nauunang maglakad at sumampa sa likod nito. I laughed dahil muntik na sila matumba kung hindi lang nakabalanse si Klaus. Ciarra's laughing too.
"Let's go?" Eirene asked. Tumango ako at tumayo na rin. Sabay sabay na kami lumabas ng school, but the car isn't here yet.
"Where's the car?" Eirlys asked.
"Si Kuya!" Tinuro ni Kyle ang bagong labas na si Spiro mula sa kotse niya.
"Get inside." Eirene arched her brow.
"Anong meron? Bakit sinusundo mo na kami, Kuya? May sakit ka ba?" Eirene teased Spiro.
"Wala akong magawa, e. Maagang natapos class ko." Mabilis akong nag-iwas ng tingin nang tignan niya ako. "We a have meeting with our cousins." Napatungo ako. Hindi naman nila ako pinsan kaya hindi dapat ako makinig. "Including Phamela." Napaangat ako ng tingin.
"About what, Kuya?" Eirlys asked. Ginulo ni Spiro ang buhok ni Eirlys.
"Malalaman mo mamaya. Now, hop in." Nauna silang pumasok sa loob. Makikipasok na sana ako nang hilahin ako ni Spiro papunta sa passenger seat.
"Dito ka." Napalunok ako. I nodded and obeyed him.
"I'm hungry." Sambit ni Kyle sa likod habang nagmamaneho na si Spiro. Nakauniform pa rin siya.
"Let's drive thru." Tuwang tuwa sila sa sinabi ni Spiro.
"Ate Phamela, Punta tayo kila Keinna mamaya, ha? Magpapatulong kami sa project." Sambit ni Eirene.
"Sige lang. Wala naman akong gagawin ngayon."
Bumili muna si Spiro ng pagkain at inabot 'yon kina Kyle. Nag-abot din siya sakin ng dalawang burger at softdrink. Binuksan ko ang isa at kinagatan agad 'yon.
Napahawak ako sa puson ko. Ang sakit. Feeling ko malapit na ako magkaro'n kaya ganito.
"Are you okay?" Tumango lang ako sa tinanong ni Spiro. Napansin kong hindi siya makakain dahil nagmamaneho siya. "Can you feed me? I want burger, too." Napakunot ang noo ko.
"Ayan ang burger mo. Hindi ko naman kakainin."
"He can't eat that, Ate Pham. He's driving. Subuan mo na lang si Kuya." Pasimple akong napalunok sa sinabi ni Eirlys.
"O-okay." Nilapit ko ang burger sa labi niya na kinagatan naman niya agad. "Coke? Gusto mo?" Tumango siya kaya nilapit ko din sakanya 'yon.
"Thanks." Nakita ko ang maliit niyang ngiti. Tumango lang ako.
Nang makarating kami sa mansion ay wala sina Sir Dereck at Ma'am Brie. Umalis daw.
Nagpalit muna ako ng damit at nagpahinga muna. Inantok ako pero pinigilan kong makatulog. May meeting pa daw mamaya at sasamahan ko pa si Eirene kila Keinna.
![](https://img.wattpad.com/cover/259688896-288-k932347.jpg)
BINABASA MO ANG
Trapped with Spiro Gray
Romance[ Hurricane Cousin's : Spiro Gray ] "You are trapped with me... Forever." - Spiro Gray Rivera. Phamela Ibañes was studying under Dereck Rivera's family. She was studying peacefully not until she entered into an open relationship with her sponsor' so...