TWSG : 75

55.5K 718 79
                                    

CHAPTER 75

PHAMELA

"PAANO NAMAN kasi niya masasabi 'yon? What if anak mo talaga 'yon?" Iritadong tanong ni Eirene sa kapatid habang naghihintay kami rito sa labas dahil kinukuhanan pa ng test ang baby sa loob ni Cheska.

"Maybe she's just desperate," tipid na sagot ni Spiro.

"Are you sure-"

"Eirene, tiwala akong hindi 'yon anak ng kuya mo," sabat ko.

Nilingon ko si Spiro na tahimik lang at mukhang malalim rin ang iniisip. Hinawakan ko ang kamay niya at nginitian siya.

"We have schedule later, right? For our gowns and suits?" He smiled and nodded. He looks preoccupied kaya hinayaan ko na lang.

Lumabas si Cheska na halatang balisa. Napatayo agad kami dahil do'n.

"Tapos na," she said. I nodded as response.

"We will contact-"

"Don't you ever try to fake the result, Phamela."

Tumayo agad si Eirene at hinarap ang babae. I can clearly see how nervous she was when Eirene went to her.

"Why would we do that? Kaya nga nagpa-DNA test para malaman namin ang totoo," she smirked. "If ever na anak nga 'yan ni kuya, don't expect us to stop their wedding. Matutuloy ang kasal nila no matter what."

Nakita ko ang pangingilid ng luha nito.

"Ano pa nga ba? Ganyan naman talaga kayo, maduduming maglaro. Mararahas. You even brainwashed our investors kaya bumagsak kami! You are the worst family! Ang sasama ng ugali ninyo!"

"We won't do that if you didn't hurt Ate Phamela! If you didn't killed my niece!" Hinawakan ko na ang kamay ni Eirene at nilayo siya kay Cheska na bahagyang natulala.

"Eirene, tama na."

"I-I wasn't a-aware! I didn't know that she's pregnant!"

"Stop it, Cheska. Just leave." Sabat ni Spiro at nilapitan ako. "Let's go, too, Phamela."

"I-I didn't kill anybody! Phamela, I didn't! I wasn't-"

"Manahimik ka na nga, pwede ba? There's no use of bringing back the past! Patahimikin niyo na ang anak ko!"

Natahimik naman sila. As much as possible I don't want to talk about my lost daughter. Gusto ko na lang siyang patahimikin at ayokong ungkatin pa ang nangyari sakanya noon.

"We will see the result soon. Mas maaga nating malalaman, don't worry." Hinarap kami ni Eirene. "Go and do whatever you need to do with your gowns and suit."

"What?! Nagsasayang lang kayo ng pera! Bakit kailangan niyo pang ituoy ang kasal?! You shouldn't because I'm pregnant! Spiro, don't do this to our baby!"

"And what should I do, then? Marry you instead?" Tumikom naman ang labi nito. "Akin man o hindi ang batang 'yan, I won't stop my wedding."

"How dare you! Then anong gagawin mo rito sa baby?!"

"God! Just shut up!"

Umiling ako at hinila na lang si Spiro para makaalis kami ro'n. Masisira lang ang araw namin kapag nanatili kami do'n. Malinaw ang sabi ni Spiro na if ever anak niya 'yon, susustentuhan niya at kikitain minsan.

Madami pa kaming kailangan gawin, like, magsukat ng damit at icheck ang mga venue para sa kasal. Spiro's right. Anak man niya 'yon o hindi, tuloy parin ang kasal.

'Yon nga ang ginawa namin noon. Nagpasukat kami para doon. Dahil nga beach wedding ay hindi ko na hinangad ang malaki at mahabang gown.

"Hindi mo 'ko pwedeng makita," I said dahil nakasunod siya sakin nang papasok na ako sa fitting room. I saw how he sighed.

Trapped with Spiro GrayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon