CHAPTER 59
PHAMELA
DAHIL SA NALALAPIT na kasal ni Spiro at Cheska, madalas nasa penthouse ang babae at walang ibang ginawa kung hindi ang lumingkis kay Spiro at tuwang tuwa naman yung isa.
Ang ending, madalas lang ako sa isang kwarto dahil baka mahalata ng babae ang t'yan ko. Tingin ko mas mahalaga parin kay Spiro ang fiancé niya kesa sa baby namin.
Natatanga ako sa sarili ko dahil sa konting kabaitan na pinakita niya noon ay umasa ako na matatanggap niya na ng buo ang anak ko. Na akala ko nawala na ang issue namin kay Skyros, but no.
Sa loob ng isang linggo simula nang bumalik kami rito, bumalik na ulit siya sa pagiging marahas. He's blackmailing me about Skyros' full custody. Bumalik kami sa dati pero ngayon, may mga oras na pinagdadamunan niya ako.
He's not literally forcing me. He's giving me choices. Ang una ay ang pagbibigyan ko siya at magiging okay ang lahat sa pagsasama namin sa penthouse. Bibigay niya ang pangangailangan ko at ng baby pero may mga times na hindi ko kayang ibigay sakanya ang kanya kaya naman..
Katulad noon, kapag pagbibigyan ko siya ay mananatili ako dito kasama si Skyros. Kapag hindi naman o kapag tatanggihan ko siya, papaalisin ako. Ako ang pinapapili niya. Of course, I'm always choosing my son.
Naalala ko yung araw na kailangan ko ng pera para bumili ng vitamins. Naubos ang pera ko dahil binigay ko halos lahat kay Peach ang pera ko para may pang-bayad siya sa bahay. Hindi ko naman napansing paubos na pala ang budget ko.
"Spiro..." I called him one day when I noticed na paubos na ang vitamins ko at wala na rin akong pera.
Nakakahiya man pero uutang na muna ako sakanya. Kailangan ng anak ko ang vitamins para lumakas ang kapit niya. Nakakahiyang manghiram lalo na ngayong hindi ko siya napagbibigyan sa kama.
"Hmm?"
"Uhm, may favor sana ako." Lumipat ang tingin niya sakin.
"What is it?" Pinag-laruan ko ang mga kamay ko dahil na rin medyo kinakabahan ako.
"Ubos na kasi yung vitamins ko and kulang yung pera ko pangbili... Binigay ko kasi kay Peach yung pera ko. Uh, Baka pwedeng pautang?" Umangat ang kilay niya. Humilig siya sa sofa at kalmado akong tinignan.
"How much?"
"5k para yung madami na lang iyong bibilin ko. Ewan ko ba kung bakit ang mahal—"
"How about your salary?" Napatanga ako sakanya.
"Ha?"
"Your salary. Don't you have money?" Tinikom ko ang labi ko.
"Spiro, tumigil ako sa pagtatrabaho dahil nga nabuntis mo 'ko kaya nagka-aberya sa sahod ko at yung natitira kong pera—"
"So you are telling me that it was my fault?" Napakurap ako nang maging pagalit ang tono niya sakin.
"Hindi naman sa gano'n..."
"I can't give you money, Phamela." Nanlaki ang mga mata ko. Hindi pwede! Kailangan ko ng vitamins! Kailangan lumakas ng anak ko!
"Ha? Pero, Spiro kailangan ko 'yon. Vitamins ko 'yon para mas lumakas si baby." Umiwas siya ng tingin at bumalik sa pagtitipa sa laptop niya.
"Your vitamins is not included to my budget." I gritted my teeth.
"Budget?! Kailan ka pa nag-budget? Babayaran ko naman sa huling sahod ko. Maghahanap din ko ng ibang traba—"
"When?"
"Sa susunod na linggo." He smirked.
"Wait 'til next week. Malapit naman na. I'm sure your baby can endure."
BINABASA MO ANG
Trapped with Spiro Gray
Romance[ Hurricane Cousin's : Spiro Gray ] "You are trapped with me... Forever." - Spiro Gray Rivera. Phamela Ibañes was studying under Dereck Rivera's family. She was studying peacefully not until she entered into an open relationship with her sponsor' so...