TWSG : 28

50K 776 140
                                        

CHAPTER 28

PHAMELA

             TINITIGNAN KO ANG bawat babae sa backstage. Lahat sila ay aligaga habang tahimik lang ako sa gilid at hinahayaan si Pat na suklayin ang buhok ko.

Iba iba kami ng mga nabunot at hindi ko ikakailang maganda ang mga suot nilang sports attire. Tinignan ko naman ang sarili ko sa salamin. May bulaklak sa likod ng kanang tenga ko. Ang tela naman ay nakatali sa bewang ko pero nakikita parin ang kaliwang binti ko masyado.

"Girls, line up!" Sumulpot na naman ang teacher. Pumila na sila kaya ako rin. Backless rin ang one-piece pero komportable pa naman ako sa ngayon.

Tinawag na isa isa... Kinabahan ako dahil malakas ang cheer sa mga junior high. Wala pa naman akong gaanong kaibigan sa grade namin.

I brushed my hair using my fingers. Hinihintay na tawagin ako.

"And of course, last but not the least, Phamela Ibañez from Grade 12 Senior High School!" Ngumiwi ako. Maingat akong lumabas ng stage dahil mas mataas na ang sapatos na suot ko ngayon na kulay skin tone.

Seryoso lang akong naglakad papunta sa kaliwa, then kanan at sa gitna. Deretsyo lang ang tingin ko at hindi nginingitian ang kahit sino. Halos mawala sa isip kong nasa pageant ako dahil mas focus ako sa ingat ng paglalakad para sa baby ko.

Nang mapunta ako sa gitna ay tsaka ako ngumisi. Halos mangatog ang binti ko nang makitang halos nakanganga sila sa suot ko. Halos kumikinang ang mata ng iba at gandang ganda sakin. I licked my lips as I smirked.

Saglit akong nanatali doon sa gitna para mas makita nilang mabuti ang suot ko. Then I tried to turned around with all my efforts.

Tumabi ako sa Grade 11 na nakanganga rin. Tipid akong ngumiti rito.

"Ang sexy mo, ate..." Alanganin akong ngumiti rito at pinagmasdan ulit ang pamilya. Todo palakpak sila kaya mas lumakas ang loob ko.

Nagtama ang mata namin ni Spiro na galit ang tingin sakin. His jaw tightened because of what I am wearing. Imbes na sumiksik sa dulo ay ginalaw ko pa ang bewang ko na parang pinapakita sakanya ang likod ko. Garret, beside him, laughed because of what I did. Ngumisi lang din ako.

Nagsasalita ang emcee at tinatanong kung sino ang gusto nila at halos lahat 'yon ay sinisigaw ang pangalan ko! Namula ang pisngi ko dahil sa mga kaibigan ni Nikos na todo rin ang hiyaw nang binanggit ang pangalan ko.

Tigilan niyo 'ko! May baby na 'ko!

I flipped my hair as I looked at Ma'am Loraine who's very proud of me. Ngumiti ako sakanya. Kung hindi dahil sa tulong niya ay wala akong ganitong damit.

Pinabalik din kami pagkatapos no'n at binigyan kami ng 10 minutes para magbihis para sa talent show. Matagal pa naman ako dahil huli pa. Inabot sakin ni Pat ang fairy dress. Light colors ang nando'n. Pink, purple at sky blue.

Papasok na sana ako sa fitting room nang sumulpot si Spiro na galit! Kinabahan ako bigla nang hinila niya ako patayo! Pwedeng dahan dahan? May baby ako!

"B-bakit?" Sinuot niya sakin and coat sa uniform niya bago niya hinarap si Pat na tulala rin.

"I'll just borrow her for a minute." Wala sa sariling tumango si Pat at mukhang natulala pa sa gwapong mukha ni Spiro.

"S-saan tayo pupunta?" Marahas ang pagkakahila niya sakin at naka high heels pa ako! "Spiro?"

"How dare you wear that fucking swimwear then show it to everyone!" Dinala niya ako sa parking lot. Pinatunog niya ang sasakyan. Sinakay niya ako sa passenger seat.

Trapped with Spiro GrayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon