CHAPTER 44
PHAMELA
"SALAMAT, SIR," Ngiti ko kay Zero nang ihatid niya ulit ako sa labas ng venue. Ang totoo n'yan kanina ko pa gustong umuwi dahil bigla akong na-lowbat at hindi na maganda yung kutob ko sa pag-alis ko kanina.
"I told you not to call me 'Sir' kapag wala tayo sa trabaho," Ngumiti lang ako dito.
"Salamat ulit." Pinigilan kong manlaki ang mata ko nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko! What's this?!
"You are the prettiest among them. Hindi ka dapat nalulungkot." Sincere akong ngumiti dito.
"Salamat ulit, Zero. Kailangan ko talaga ng makakausap kanina." He licked his lips at parang ngingiti pa! Ewan ko, ha. Magdadalawang buwan na kaming magkatrabaho at masungit daw ito pero hindi naman sakin. Baka crush ako?
"You can always call me if you need anything, Pham." Tumango ako.
"Ah, baba na 'ko." Tipid akong ngumiti bago ako lumabas ng sasakyan niya.
Mabuti na lang at hindi ako natatapilok kahit mabilis akong naglalakad. Naabutan ko agad sa bungad si Spiro at Skyros. Umiiyak ang anak ko habang pilit naman itong inaalo ni Spiro.
Anong ginawa niya? Bakit umiiyak si Sky?
"Sky!" Tawag ko sa anak. His eyes widened at nagmamadaling tumakbo papunta sakin. Lumuhod agad ako para salubungin niya.
"Mama! San ka po nagpunta?" Humikbi pa siya habang nakayakap sakin.
"Nag-kape lang si Mama. Bakit ka umiiyak, anak?" Hinaplos ko ang likod niya. Nag-angat ako ng tingin kay Spiro masama ang tingin sakin. "Sky, tahan na..."
"Akala ko po iniwan niyo na ako!" Yumakap pa ito sakin. I tried to hush him pero ayaw niya talagang magpa-awat.
Bigla tuloy akong nakonsensya sa ginawa ko. I'm so insensitive. Ni hindi ko naisip ang mararamdaman ng anak ko kapag nalaman niya na umalis ako. He's still adjusting with his father kaya malinaw na sakin pa lang siya komportable.
"I'm sorry, anak..." Hindi naman mabigat ang dress ko kaya pagtayo ko ay binuhat ko na rin si Skyros. "Tahan na, baby."
"Huwag niyo po ako iiwan, Mama..." Sumiksik pa ang mukha nito sa leeg ko. Tinignan ko ulit si Spiro na masama na naman ang tingin sakin. "Dito ka lang po."
"Hindi ako aalis, Sky." Hinalikan ko ang pisngi niya. "Sorry, baby..." Unti unti naman siyang kumalma.
"Let's go home." Nag-angat ako ng tingin kay Spiro. Medyo naguluhan ako sa sinabi niya. Anong sabi niya? Uuwi na kami?
"Tapos na ba ang—"
"Let's just go." Kinuha niya sakin si Skyros. Nagpaubaya naman si Skyros nang kunin siya ng ama.
Nilingon ko pa ang Garden's na halatang may party pa sa loob pero sumunod na lang ako kina Spiro. Binuhat ko na din ang dress ko para hindi ako madapa.
"Hindi ka ba nag-iisip?!" Nagulantang ako nang bigla akong hinarap ng galit na si Spiro pagkatapos niyang isakay ang anak namin sa sasakyan niya. "Bakit hindi ka nag-paalam nang umalis ka? You made our son worry! Ni hindi mo pa sinasagot ang tawag ko. You turned off your phone!"
"Na-lowbat ako—"
"Shut up! Kung nakita mo lang ang itsura ni Sky kanina!" Tumungo ako. "Get in the car!" Wala akong ibang nagawa kung hindi pumasok na lang din sa sasakyan niya.
Hindi siya nagsalita the whole time at gano'n rin si Sky kaya hindi na rin ako nagsalita. Binuhat agad ni Spiro si Skyros pagkadating namin sa penthouse niya.
BINABASA MO ANG
Trapped with Spiro Gray
Romance[ Hurricane Cousin's : Spiro Gray ] "You are trapped with me... Forever." - Spiro Gray Rivera. Phamela Ibañes was studying under Dereck Rivera's family. She was studying peacefully not until she entered into an open relationship with her sponsor' so...