TWSG : 48

59.9K 880 100
                                        

CHAPTER 48

PHAMELA

        TINIGNAN KO si Skyros na tahimik na kumakain ng dala niyang ice cream. Kanina pa siya nahatid ni Eirene dito pero hindi pa umuuwi si Spiro at hindi ko rin alam kung saan 'yon nagpunta.

"Hindi pa po uuwi si Papa?" Inosenteng tanong ni Skyros. Lumapit ako sakanya para punasan ang labi niyang puno ng chocolate.

"Mamaya siguro, anak."

Tinignan ko ang niluto kong dinner para sana samin pero kumain na pala si Skyros kaya ako na lang yung kumain kanina.

Baka nando'n si Spiro sa fiancé niya? Ewan. Masyadong bumabagabag sa isip ko yung text sakin ni Ma'am Brie. Anong pag-uusapan namin? Hihilingin niya bang iwan ko si Skyros sakanila?

"Mama, nagkita po kayo ni Tita Peach kanina, diba?" Tumango ako sa anak. "Kamusta na po siya?"

"Maayos ang Tita Peach mo. Sa susunod daw, siya ang susundo sayo para mamasyal daw kayo. Gusto mo ba 'yon?" Sunod sunod siyang tumango.

"Opo! Matagal ko na po hindi nakikita si Tita Peach," Bumungisngis siya.

"Okay, mag-toothbrush ka na, baby, then tulog na, okay? May pasok ka pa bukas." He pouted his lips.

"Sige po..."

Tumakbo siya papasok sa kwarto niya habang tinakpan ko naman ang mga pagkain. Dumiretsyo naman ako sa kwarto para maligo. Mabilis lang akong naligo dahil gabi na.

Nasa kalagitnaan ako ng paglalagay ng lipbalm nang biglang may pumasok sa kwarto. Si Spiro lang pala. Bakit mukhang lasing naman ang isang 'to?

Tinignan ko yung digital clock and 10 PM na rin. Saan kaya siya galing? 7 PM kasi ang madalas niyang uwi. Mukha rin siyang lasing. 7 PM ang uwi niya kung may pasok at 'yon na ang pinaka-late.

"Hi. Uhm. Nakauwi ka na pala. B-bakit ngayon ka lang? Kumain ka na ba?" Tanong ko.

Saglit siyang napatitig sakin bago unti unting umiling. "Not yet." Napapaos na sagot niya.

"Ah, okay. Kukuha ako ng pagkain. Tulog na ata si Skyros. Teka lang." I was about to go out when he dragged my arms. "Uhm, bakit?" Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at bahagyang kinabahan.

"Are you clean?" Kumunot ang noo ko. "Naligo ka na?" Bigla akong napalunok. Shet.

"Hindi ba obvious?" Basa pa ang buhok ko kaya for sure obvious 'yon. Tinuro ko ang buhok ko. Nakita kong umangat ng konti ang sulok ng labi niya. "Kukuha ako ng pagkain."

"Mamaya na. Take my clothes off first." Napatanga ako sakanya. Seryoso ba siya? Anong oras na oh. Parang lasing pa siya. Kaya niya kaya?

Ay bakit, Phamela? Gusto mo rin? Tanga ka?

"B-bakit?"

He licked his lower lip bago tumingala. "I'm tired."

"Ah, sige." Inalis ko yung coat niyang itim at pinatong 'yon sa sofa bago ako bumalik sa harap niya. Tinanggal ko na rin ang necktie niya before I started unbuttoning his button down shirt.

"You're trembling." Pansin niya.

"Hindi. Imagination mo lang 'yon." Umangat ang kilay niya. "Ah, uminom ka?"

"Yeah, with Garret." Tumango ako bago ko tuluyang naalis ang pang-itaas niya. Nilapag ko 'yon sa sofa bago bumalik ulit sakanya. Bigla akong natigilan.

Ako rin ba yung maghuhubad ng pants niya?

"Uhm. Okay na." Sambit ko. His brows furrowed. Umupo na siya sa edge ng kama while I am still standing sa gilid ng sofa.

"Come here." I gulped. Lumapit ako sakanya. I went between his legs dahil bahagya 'yong nakabuka. "Sit." Tinapik niya ang binti niya.

Trapped with Spiro GrayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon