CHAPTER 3
PHAMELA
"ATE PHAMELA, can you help me with this? I'm so naguguluhan. Kuya Spiro is tamad namang turuan ako. He's busy with his dvd's." Pangatlong buwang buwan ko na rito sa mansion nila at nasanay na rin akong may pamilya.
"Anong subject ba 'yan?" Tanong ko kay Eirlys. Sinuklay ko ang malambot niyang buhok gamit ang daliri ko. Ang cute talaga niya.
"Math! Hindi ko talaga maintindihan." Kunot na noo niyang sabi bago ilapag ang notebook at libro niya sa island counter kung nasaan ako.
Binasa ko ang pinagmumulan ng iritasyon niya. Nasa positive and negative sign pa lang sila. "Eirlys, kapag itong number na 'to, nilipat mo dito, magiging negative 18 siya. Once na maglipat ka ng number, magiging negative 'yon, gets mo ba?"
"Bakit naman need ko pang maglipat?" Tinuro ko rin kung bakit kailangan niya pang maglipat ng number. Tumango tango siya at nilabas naman ang notebook niya sa science. "How about this, Ate Pham? Nahihirapan akong i-identify 'to."
Tumango ako. Mabuti na lang at matibay ang memory ko.
"This is the crater, vent, lava, throat, lava flow and ash cloud." Turo ko sa mga bahagi ng volcano. "'Yan lang ba ang assignment mo?"
"Yes. Ito na lahat. Thank you so much, Ate Pham!" Humalik pa siya sakin bago nagmamadaling umakyat sa kwarto niya.
Binasa ko ulit ang librong binabasa ko dahil may quiz ata kami bukas. Mas mabuti na ang sigurado. Pero sa kalagitnaan ng pagbabasa ko ay nakita kong naglalakad papasok si Keinna. Napatitig ako sa pisngi niyang namumula.
Nanlaki ang mata niya nang makita ako kaya mabilis ko siyang nilapitan.
"Ano 'yang nasa mukha mo?" Tanong ko habang hawak ang braso niya.
"Wala! Wala, ate Pham." Todo iling siya kaya hindi ako naniwala. Medyo magulo rin ang buhok niya. "Puntahan ko lang sana si Eirene. Uwi na 'ko."
"Patingin nga ako ng pisngi mo!" Umiling siya. "Patingin lang." Maluha luha niyang tinanggal ang kamay niya don. Nanlaki agad ang mata ko nang makita ko ang pamumula no'n. "Sinong... Sinong sumampal sayo?"
"Ate Pham, please, don't tell Mom and to Klaus. Papagalitan lang nila ako." Tinitigan ko siya. Masakit sakin ang makitang namumula ang pisngi niya. Ang ganda ganda niya pa naman.
"Upo ka muna. Kukuha lang ako ng yelo." Pinaupo ko siya sa sofa sa living room.
Halos liparin ko ang kusina para kumuha ng yelo. Tinawag ko na rin si Eirene at sinabing mag-bibihis muna siya.
"Sino ba kasi ang may gawa n'yan?" Tanong ko kay Keinna habang pinapanood siyang naglalagay ng yelo sa pisngi niya.
"Those little sluts who has a crush on Ryder! Oh my gosh! They think I was hitting on Ryder? He's my freaking cousin! Ano bang isip ang mayroon sila?" Inis na inis siya.
"Bakit nasampal ka agad?"
"Sinagot sagot ko sila. I was about to slap them, too, but they run as fast as they can! Weakshit!" Napangiwi ako. Buti na lang at wala sila Ma'am Brie and Sir Dereck dito kung hindi ay pinagalitan na nila si Keinna dahil sa mga words nito.
"Oh my God, Keinna! Who did this?!" Malakas na sigaw ni Eirene at tumakbo papunta kay Keinna. "Who did this? Samahan mo ako sakanya para ako naman ang sumampal—"
"Stop. I'm fine. Bukas ko na lang sila pagsasasampalin isa isa. They're not fair. Tatlo sila, isa lang ako. Okay lang sana kung isa isa. Bullshit." Si Eirene na ngayong ang may hawak ng yelo.
BINABASA MO ANG
Trapped with Spiro Gray
Romance[ Hurricane Cousin's : Spiro Gray ] "You are trapped with me... Forever." - Spiro Gray Rivera. Phamela Ibañes was studying under Dereck Rivera's family. She was studying peacefully not until she entered into an open relationship with her sponsor' so...