Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

[5-2] World's Chorus

94 7 1
                                        

====================

"World's Chorus"

POINT OF VIEW : LEMON

====================


Sabi ni Ate Mayah tatagalin daw ng isang dalawang oras yung biyahe kaya naisipan ko munang mag log out para kumain ng dinner. Ayaw ko rin muna kausapin si Dash dahil mukhang pinagiisipan niya talaga yung sinabi kong proposal sa kaniya. I told him I'd help him in his revenge which sounds fun dahil yung target niyang group ay yung Phantom Opera. A group of people who can beat my sister, they sounded pretty strong.


"Ano ulam?" tanong ko habang pababa sa hagdan.


Tinignan ako ni Tia ng may galit sa mukha habang nginunguya yung naka tusok na tinidor sa fried chicken niya. Tinakas ko si Dash mula sa kanila at mukhang nilayo ko sa kaniya yung gusto niyang makuhang legendary music sheet kaya di ko siya masisisi.


"..hmph.." di niya ako pinansin at pinagpatuloy na lamang ang pag lunok niya.


Mukhang ayaw niya ako kausapin kaya hinayaan ko na lang muna. Nagtungo ako sa drawer para kumuha na rin ng kutsara at plato tiyaka ko binuksan yung rice cooker para kumuha ng kanin. Dahil nakita kong fried chicken ang kinakain niya ay hinanap ko na rin yung para sakin sa ref.


"So?..." biglang pagkausap sakin ni Tia.


Napatingin ako sa kaniya nung saktong nakuha ko na yung ulam sa ref. Di ko alam kung bakit, pero sa wakas may gana na siyang kausapin ako.


"Hmm?..." tanging sagot ko at umupo na sa harap niya.


"San niyo siya tinago?" tanong niya ng daretsiyo.


"Si Dash?..Hehe..secret." sagot ko.


Nagkaroon ng katahimikan dahil sa sinagot ko pero wala akong dahilan para matakot sa provocations niya. Kahit pa tignan niya ako ng masama, wala akong intention na sabihin sa kaniya ang location namin.


"Ba't ba prinoprotektahan mo yung NPC'ing yun, are you a fuckin gay inlove sa isang AI?" bigla niyang pagiinsulto.


"Perharpshh I am." pabiro kong sagot na nasasarapan ng kagat sa chicken.


I used to admire my sister pero ngayong nabasag na yung undefeated record niya, mas interested na ako sa nakatalo sa kaniya. Kung kaya kong talunin yung tumalo kay Tia, ibig sabihin ba nun I'm 2 rank higher than her? These mere thoughts made my eyes twinkle like never before.


"Let's make a deal. You hand me the map for page 56 and I'll fill you in about the world's chorus." pag aalok niya.


"World's chorus?" tanong ko.


"Kambal naman tayo eh. Give and take na lang. DI ko na rin papakialaman yung boyfriend mong NPC pag pumayag ka.. So ano..willing ka ba?"

Musical Mania OnlineMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon