Chapter 4 : Firepower

137 10 3
                                    

====================

"Firepower"

Point of View : Author

====================


Tumagal ng ilang minuto ang pag atake nilang tatlo ngunit napansin nilang kalahati palang ng health points ang nababawasan nila mula sa mga ruined knights. Paubos na ang mana ni Lemon sa pag gamit ng ilang boom attacks at ngayon ay napaluhod nang humihingal sa pagod. Nakailang salo na rin si Lucas sa mga mabibigat na indayog ng malaking sword nila sa kaniya.


"UARGHH!" di maintindihang sigaw nung isang ruined knight at malakas niyang sinuntok si Lucas.


"Body Enhancement. Mighty Statue." pinagkantog niya yung cymbals niya at biglaang naging ginto yung katawan niya.


====================

Lucas [Level 17]

HP : 8,762/10,500

MP : 200/1,300

Shield : 1600/1600

====================


Pinagsusuntok si Lucas na siyang mabilis na bumabasag sa shield points niya. Kumurot yung mukha niya dahil nakita niyang naubos na yung shield points at pagkabasag nga nito ay lumampas sa gintong katawan niya ang malakas na pagsalpok ng suntok sa kaniya.


"LUCAS!" sigaw nilang lahat nung makita nilang natamaan si Lucas at tumama sa isang malaking boulder sa gilid.


Mabilis na bumaba sa 20% yung health points ni Lucas at tumakbo naman si Lemon sa kaniya para mabigyan siya ng potion. Nilabas kaagad niya yung potion mula sa inventory niya at di nagpatuloy sa pagtakbo ng walang pake sa paligid niya.


"LEM!!!" sigaw ni Dash na di narinig ni Lemon.


"ILAG!!!" sigaw ni Renz.


Lumingon si Lemon sa malakas na sigaw ni Renz pero nung tumingin na siya ay nasa mukha na niya ang malaking kamay ng ruined knight. Sa kalahati ng isang segundo ay tumilapon ang napakaliit na katawan ni Lemon sa lupa at napagulong gulong siya sa malayo.


"BOSS!!!!" sigaw ni Melon at kaagad siyang lumipad sa direksiyon niya.


"Dash dito ka lang." bilin ni Renz at tumakbo naman sa direksiyon ni Lucas na nakapako yung katawan sa mabatong pader.


Bumagsak sa 1% yung health ni Lemon at di niya magawang mahawakan ng mabuti yung potion na nilabas niya na para sana kay Lucas. Mabilis na kinuha ni Melon yung potion at pinainom niya ito sa bibig niya. Mabagal pero onti-onting bumabalik yung HP points niya at napatayo na lang si Dash dahil sa mga bilin nilang wag lumaban.


"Tutulong ako--" pigil na salita ni Dash nung tinignan siya ni Renz.


Musical Mania OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon