[1-10] Dash's Proposal

69 3 0
                                    

====================

"Dash's Proposal"

Point of View : Lemon

====================


"Okay fine I'll go to that stupid academy but I have one condition." sabi ni Dash at hinila niya kamay ko papunta sa tabi niya. "He's going with me."


Nakapinta yung gulat sa mukha ko at di ko mapigilian mapatingin kay Dash at yung Hari na nag sasalitan ng argument.


"Di nga pwede. Kahit pilitin mo pa, bawal ang hindi noble sa academy na yun. Maliit lang tayo na Kingdom at wala tayong kapangyarihan para pilitin sila." nakapikit at dismayadong sambit ni King Vollio.


"Dear.." nagpaharap yung reyna na si Queen Hina at tumingin siya direkta sakin.


"Leo, may tanong ako para sayo." sabi niya ng may matulig na tingin at halos maramdaman ko yung lamig ng intention niya.


Di ako nagsalita at hinayaan na lang siya na tanungin ako. Dash and King Volio seemed also confused kagaya ko kaya wala kaming ginawa kundi maghintay sa tanong niya.


"Handa ka bang gawin lahat para kay Dash?" tanong ni Queen Hina.


Her question is far too simple pero alam kong may nakatagong mensahe sa tanong niya. Kung ibig niyang sabihin ay kaya ko ba siyang protektahan, baka kakayanin naman. Since pinili kong ituloy na samahan si Dash para sa main quest ko, I can't back down now.


Lumuhod ako sa harap niya at kunwaring sincere akong sumagot sa tanong niya. "Dash saved my life from being a slave and it's just natural to repay his kindness. Pinapangako ko, Queen Hina at King Vollio, na gagawin ko ang lahat para kay Dash at proprotektahan ko siya gamit ang buhay ko." napatingala akong sumagot at binigyan siya ng matamis na ngiti.


"Mabuti naman. Well then...May isa akong alam para makasama ka kay Dash sa Academy." sabi niya.


Di ko alam pero may naamoy akong mali sa ginawa kong desisyon dahil nakita ko mukha ni Queen Hina na may balak na masama. She reminded me of my Mom which is not very reassuring.


Two days from now mag s-start na yung first semester ng 1st years sa Music Academy. Dito tinatapon ang mga walang kwentang anak ng mga noble na may talento sa Mana pero walang alam sa musika. At isa sa mga anak na yun ay si Prince Dash na siyang sasamahan ko bilang close bodyguard niya. Di ko alam kung ano plinaplano ni Queen Hina para sakin pero ang bilis inimpake ng mga katulong yung damit na kakailanganin ni Dash sa pang araw araw. Nakasaad kasi sa school rule na lahat ng enlisted na studyante doon ay maninirahan sa sari sarili nilang mga dormitory.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Musical Mania OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon