====================
"Mic Test"
Point of View : Lemon
====================
Lumipas ang dalawang araw simula nung nagusap kami nila Renz that night at ngayon andito parin ako sa academy na di alam kung ano na ang gagawin. Babantayan ko lang si Dash hangga't sa matutuhan niya yung gitara and after that I'm out, hopefully.
Dahil magkasama naman si Dash at Renz as classmates di ko muna aalahanin ang safety niya. Kaya ang naisipan kong gawin today habang nag klaklase sila ay libutin ang buong academy. Ngayong napagmasdan ko na ang buong paligid, masasabi kong anlawak talaga ng lugar na'to. May sariling cafeteria, park, gym, training area at madami pang ibang facilities.
As much as I want to start adventuring at kumalaban na ng monsters, I'm still worried about my main quest. Naisipan kong i-ditch si Dash pero ramdam kong maling desisyon yun. Wala rin akong progress these past few days dahil hanggang ngayon level 2 parin ako. Sabi ni Renz level 5 na daw siya at ayaw man lang niya ishare sakin yung secret niya. What a jerk.
"Morning young girl." pagbabati sakin nung janitor na naglilinis sa harap ng sa tingin ko ay isang library.
Ang weird na tawagin akong young girl pero kailangan ko muna mag acting for my own sake. "Morning din..uh..sir..bukas ba yang library na yan?" tanong ko.
"Bakit magbabasa ka? Teka buksan ko." saad niya at binuksan niya yung lock gamit yung napakadami niyang susi.
Lumapit naman kaagad ako sa tabi niya para matignan yung loob. Pagkabukas ay nagulat ako sa sobrang laki at lawak. Pero may napansin akong alikabok at mga gagambang nagsigapangan sa mga sapot nila. Malaki siya at madaming libro pero nadismaya ako sa condition nung lugar dahil ang dumi at halatang di ginagamit.
"Pasensiya na, wala na kasing pumapasok dito at pati yung librarian sumuko nang bantayan 'to. Balak na nga nilang i-abolish ang facilidad na 'to dahil di na nagagamit." saad niya.
"Huh..Bakit di nila ginagamit? Di ba nila alam gaano kaimportante ang libro." sambit ko.
"Hindi yung libro ang problema yung mismong lugar. May mga nakikita daw silang multo at nakakarinig daw sila ng mga iyak ng isang batang lalake. Nakailang imbestiga na kami pero wala kaming mahanap. " pag papaliwanag niya.
"M-Multo?." takot kong tanong.
This is a fantasy game, for sure di na nakakagulat kung totoo man na may multo sa larong 'to. Pero na excite ako dahil gusto ko rin makakita ng totoong multo. Kinausap ko yung janitor na gagamitin ko muna yung library kaya iniwan niya sakin yung isang susi para dito.
"Balik mo na lang sakin yung susi pagkalabas mo." saad niya.
"Sige po. Salamat." sabi ko at pumasok na sa loob.
Umalis na yung janitor para maglinis pa sa ibang corridor at naiwan na akong mag isa sa loob ng library. Binuksan ko yung ilaw dahil walang wala itong mga bintana. Pagkabukas ko ay nakita ko na ang kagandahan nung lugar kung di lang sana ito makalat.
BINABASA MO ANG
Musical Mania Online
Science FictionMusical Mania is a PD-VRMMORPG that brought a fresh new concept to the same old fantasy adventuring game. Unlike any of the other games, Musical Mania supports and influence players to try and fight monsters through playing musical instruments. Comp...