Chapter 5 : Music Alliance

138 5 0
                                    

====================

"Musical Alliance"

Point of View : Author

====================


Isang napakatangkad na 100 floor skyscraper ang nakatayo sa gitna ng buong isla. Pumapalibot sa baba ay ang modern city na puno ng napakadaming players mula sa iba't ibang bansa. Iilan lamang ang nakatirang NPC dito dahil kilala ang Palon Federation bilang player's den. Madaming pagawaan ng outfits kung saan saan at completo rin sa facilities kagaya ng training rooms at blacksmiths ang lugar na ito.


Ang nakaupong pinuno ng masaganang paraisong ito ay si Robin Theodore C. Burton. Medyo matanda na siya pero maganda parin ang pangagatawan. Green ang mata, dark green rin ang kaniyang buhok at sakto rin na green ang style ng pananamit niya.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Para mapanatili ang kapayapaan dito, nagpatayo siya at ang grupo niya ng isang organization na tinawag na Music Alliance Group na kilala na ngayon bilang Musical Alliance. Pero kahit kilala ito bilang lugar sa mga players mismong si Robin ay hindi isang player. Binuo niya ang Musical Alliance para magipon ng myembro player man o NPC para protektahan ang mga tao sa buong mundo.


Dahil sa ginawa niya ay nagbigay supporta ang lahat ng tao at doon lumago ang era ng mga Musicians. Pero pagkatapos ng mabubuting nagawa niya ay meron namang kumakatawang masamang grupo sa kabilang dulo. Ang pagtaas ng bilang ng mga musikerong ginagamit ang kakayahan sa musika at players na sadyang dati nang may ugaling di maganda ang nagbigay dilim sa mundo ng Musical Mania.


Nagkaroon ng madaming branch ang Music Alliance na tinawag na Studios at bawat studio ay pinamumunuan ng isang manager. Maari itong ikumpara sa isang guild at guild master kung ikaw ay nasanay sa mga typical RPG. Bawat studio ay may kaniya kaniyang paraan para kumuha ng mga myembro pero lahat ay may iisang hangarin lamang. Yun ay ang protektahan ang mga taong di kayang lumaban sa mga halimaw at masasamang musician.


Dahil sa impluwensiya ng Musical Alliance, bawat syudad sa iba't ibang lugar ay may kaniya kaniyang Studio at bawat Musician na kabilang bilang myembro ng Musical Alliance ay binibigyan ng licensiya para gawin ang responsibilidad nila. Kabilang sa licensiya ang pagpatay ng tao ng di ka nakukulong, pagdalaw sa mga dungeons legally at pag kuha ng mga commision quests sa Quest Boards. Isa lamang yan sa mga kayang ibigay ng Musician License kaya naman napakadami ang nag aaudition kada buwan sa pangarap na maging isang myembro ng Musical Alliance at matawag na isang Musician.


Payapa pa at tahimik ang lugar na ito pero hindi matatakasan ng tenga at mata ng mga tao ang nangyaring invasion sa homeland ni Dash. Nagkaroon ng matinding bahala ang Musical Alliance at ngayon ay iniimbestigahan na nila ang sitwasyon sa Armodia at Nashville City.

Musical Mania OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon