Musical Mania is a PD-VRMMORPG that brought a fresh new concept to the same old fantasy adventuring game. Unlike any of the other games, Musical Mania supports and influence players to try and fight monsters through playing musical instruments. Comp...
I logged back in at mukhang nakapasok na kami sa boarder ng Palon Federation. Tanaw na kasi mula sa nakabukas na bintana ang matataas na gusali at mga sasakyang nakapila sa daanan papaloob ng Music City. Madami rin ang mga pasikot sikot na gwardiya sa buong paligid pero di kagaya ng mga nakita ko na, sila ngayon ay may kaniya kaniyang gitara sa likod nila.
"Ba't kaya gitara noh?" napabulong ako sa sarili at narinig naman ito ni Ate Mayah.
"Hmm..kapalit siguro sa concept ng swords. " sagot niya.
"Sabagay mas madali ata siguro ituro ang gitara at yung mga kailangang materials eh mura." pag tutuloy ko.
Pagkarating namin sa checkpoint ay hinalungkat nila ng todo yung van namin at pinagbubukas lahat ng bagahe. Nakaupo parin si Dash sa sulok kaya sinabihan ko yung mga nag checheck na tratuhin na lamang siya ng mahinhin.
"Clear. Next!" sinara nung guard yung pinto ng van at nagpatuloy na kami sa pagpasok sa loob.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
[ Music City ]
Maayos na daan, masalaming mga gusali at isang complete replica ng isang modern civilization. Kumpara sa Nashville City, ang Music city ay ahead sa teknolohiya ng mga limang henerasyon. Di lang yun ang nakakapanibago dahil sa wakas ay kitang kita ko na ang mga tag names ng mga kapwa ko players sa paligid.
Kaya ganito ang buildings dito dahil may mga players na dinala ang kaalaman nila mula sa mundo namin. Walang magawa ang mga ibang bansa sa paglago ng Palon Federation dahil masiyadong bago at takot ang mga NPC sa mga teknolohiya na gawa ng mga players. Naging trading center ang Music City pero dahil sa kaibahan ng kultura at paniniwala ay nagkaroon ng agwat sa relasyon ng players sa mga world leaders ng mga NPC.
Mala medieval era kasi ang culture nila kaya may Nobility, Kings and Queens ang mga NPC. Pero sa Palon Federation, walang ganito dahil pinamumunuaan sila ng isang pagtitipon ng apat na major studios na kilalang Musical Alliance. May mga bansang nagnanais na nakawin at tularin ang mga kagamitan sa Music City ngunit di nila ito magawa dahil sa kakulangan ng kaalaman. Kagaya ng mga NPC na may ayaw sa mga players, karamihan rin sa mga players ay trinatrato ang NPC na mas mababa sa kanila. Walang hangganang di pagkakaintindi kaya di nagkakasundo ang dalawang panig.