[2-4] Elements

181 11 0
                                    

====================

"Elements"

Point of View : Dash

====================


Kita ko si Lemon na nakaupo sa puno katabi nung bintana at nag hi siya sa kin mula doon kaya ngumiti akong kumaway rin sa kaniya.


"Can I sit here?" tanong ni Prince Chris na kumalabit sakin kaya napalingon agad ako.


Di ko siya nasagot pero siningit parin niya sarili niya doon sa bakanteng upuan sa tabi ko. Kumaway rin siya kay Lemon at parehas silang nag pakita ng middle finger sa isa't isa. Di ko alam kung anong ibig sabihin nun pero ang suspicious. Prince Chris holds influence and power dahil anak siya ni Queen Merida at masiyado siyang sikat sa mga babae. Pero nakakapagtataka dahil ang friendly niya masiyado kay Lemon at itong si Lemon naman ang friendly rin sa kaniya.


"Tungkol sa invitation mo sa teaparty.." pagpapasimuno ko sa usapan.


"Ah yeah...you can come by mamayang gabi if you want. Pakita mo lang yung formal letter ko na may seal." sagot niyang inunahan yung tanong ko.


Di ko alam kung matatawa ako o mag aalala para kay Lemon dahil sa tingin ko napagkamalan nitong si Prince Chris na babae si Lemon. Wag mong sabihin na love at first sight siya, more or less sa isang maid pa. Ako nagdala kay Lemon sa academy na 'to at ayaw kong madamay siya sa mga kagaguhan ng mga nobles kaya proprotyektahan ko siya hangga't sa makakaya ko.


"Kung may balak ka man sa maid ko. I advice you na wag ituloy dahil madidismaya ka lang sa kung anong nasa loob ng underwear niya." sabi ko ng straight forward at honest.


"Ah..yun ba..don't worry...alam kong lalake si Lemon." sagot niyang nakangiti na para bang kilala niya si Lemon. "Eh??" gulat kong reaction.


"Pano mo nalaman?" tanong ko.


"Ah..Di ba niya sinabi sayo?..He's my closest friend." sagot niya.


"Closest friend?..Ikaw na Royal Prince? close friend...kay Lemon?" naguguluhan kong sambit.


Ayaw kong maniwala pero ang convincing ng pananalita niya. Kung malapit niyang kaibigan si Lemon bakit..teka...paano ba naging slave si Lemon in the first place. Wag mong sabihin na isang royalty si Lemon. No wait, that's impossible, walang sinabi sa documento tungkol sa werecats being a noble.


Lumalim pa ng lumalim yung mga theorya ko hanggang sa kinalabit ako ni Prince Chris tiyaka niya ako nginitian. "Don't worry, sabi sakin ni Lemon na sasabihin niya daw lahat sayo mamayang gabi."


"Okay students settle down." sabi ng isang matangkad na lalakeng pumasok sa loob ng room.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Musical Mania OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon