[4-2] Loonie

120 6 1
                                    

====================

"Loonie"

Point of View : Author

====================

Nagkaroon ng kaonting pahinga ang lahat pero nung tumingin sila kay Merry ay nakita nilang bigla na lamang siya napakagad ng labi. Dumugo yung kinagat niyang labi nung bigla naglaho ang madaming maliliit na midnight bunnies dahil sa ginawang atake ni Lemon.


"Anong ginawa niyo sa mga anak ko..." tahimik na bulong ni Merry sa sarili at di ito narinig nila Lemon.


"Anong nangyayari sa kaniya." diin ni Dash na napansing bumigat ang aura niya.


"...PAGBABAYARAN NIYO 'TOH..AHH!!" sumigaw siya ng malakas sa galit at halos mag crack yung violin niya dahil sa higpit ng pagkahawak niya.


Sa sobrang abala nila kay Merry ay di nila nakikitang may nilalabas na mala-dugo na tubig ang mga natitirang midnight bunnies sa paligid. Tumulis ang tingin ni Merry sa kanilang dalawa at bigla na lamang siya ngumiti.


"Parang may mali--.." putol na diin ni Lemon nung biglaan siyang nginitian ni Merry.


Dahil sa nakakatakot na ngiti ni Merry ay napalingon lingon si Lemon sa mga blindspot ni Dash at doon nakita niya sa ibaba na pinalibutan na pala sila ng pulang tubig.


"DASH TALON!!" sigaw ni Lemon sa desperado niyang boses.


Mabilis na pinatong ni Merry ang violin sa balikat niya at sa isang stroke lang ng tunog mula doon ay tumubo ang mga matutulis na patalim mula sa inaapakan ni Dash. Ang bagal na gumalaw ni Dash at huli na siyang nakareact nung kaagad ng nakahabol sa kaniya yung mga sunod sunod na paglabas nung matlus na dugo.


"ALIIIISS!" malakasang sigaw ulit ni Lemon na sinbukang hilain ang buhok niya gamit ang maliit niyang katawan.


Tumingin si Dash sa inaapakan niya at doon niya lang nakita na may dugo pala siyang inaapakan. Tumalon siya kaagad kagaya ng sinigaw ni Lemon pero sa sobrang baba ng natalon niya ay di niya nagawang makalayo kaagad.


"Ka.." sa isang iglap ay tumagos sa kaliwang balikat, tiyan, magkabilaang binti at isang paa ni Dash ang matigas na dugong patalim.


"DASH!" sigaw ni Lemon at Melon ng sabay.


Natunaw rin pagkatapos yung mga matatalim na dugo at mabigat na bumagsak ang katawan ni Dash sa lupa. Nawala kaagad yung kumikidlat na buhok niya at mabilis na humina yung daloy ng mana sa buong katawan niya.


"D-D-DASH" napahindik si Melon nung makita niya ang malalang condiiton ni Dash habang walang sinayang si oras si Lemon na kaagad ipinatong ang dalawang kamay sa mga sugat niya.


"S-Soothing Lullaby.L-La-la-A-a-la..la...." nahihirapan at nauutal na pagkakanta ni Lemon.

Musical Mania OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon