[2-10] Can I be your Familiar

51 5 0
                                    

==========================

"Can I be your familiar"

Point of View : Pino

==========================


Ako si Pino, yun yung pingalan sakin nung master ko at isa akong book fairy na contracted sa library na 'to bilang tagapagbantay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ako si Pino, yun yung pingalan sakin nung master ko at isa akong book fairy na contracted sa library na 'to bilang tagapagbantay. Ang aking kaibigan na si Juna ay isang librarian at siya yung nagiisang human na nakakakita sakin. Halos sampung taon na ang nakalipas simula nung grumaduate na siya at hanggang ngayon gusto ko parin siyang makita ulit. Inalok ko ang sarili ko sakaniya noon na maging familiar niya pero dahil dun di na niya ako binalikan pa sa library. Di ko alam kung ano yung ginawa kong mali pero nasaktan akong tinanggihan niya ako at di na muling nagparamdam pa.


Galit ako pero mas mabigat yung nararamdaman kong lungkot nung di man lang siya nagpaalam sakin bago umalis. Iyak ako ng iyak bawat oras na maalala ko siya hanggang sa dumilim ng dumilim yung lugar na dati ay maliwanag kasama siya. Lumiit na ang taong pumupunta sa library ko at mas lalo na akong nawalan pa ng ganang mabuhay sa loob ng kulungan na 'to.


Onti-onti akong nawawalan ng pag-asa dahil si Juna lang yung nagiisang taong nakakakita sakin at mahirap ng makahanap pa ng ibang katulad niya. At dahil rin wala ng tao ang bumibisita dito ay mas kumonti na yung chance kong makahanap ng bagong master.


Lumipas pa ang mga ilang taon at napansin kong wala na akong gana pa para linisin yung paligid. Dumumi ng dumumi, at lalong nagsikalat yung mga librong matagal ko ng di inaayos. Pero ngayong araw, bumukas yung pinto na sampung taon ng nakasara.


"Sige kuya..Salamat.." pagpapaalam niya sa janitor at iniwan sa kaniya yung susi sa library.


Pumasok ang isang batang babae na maid at nagulat ako nung nagsimula na siyang maglinis sa loob. Nagtago ako sa taas ng isang shelf para pagmasdan siya at sobrang tagal ko ng di nakakita ng tao ay natatakot nakong lumapit sa kaniya.


"La-la-la" bigla siyang nagsasalita magisa niya at bigla ko nalang naramdaman yung mana niya na pumalibot sa buong katawan niya.


Lumipas ang mga ilang minuto at nagawa niyang linisin yung mga naka-kalat na mga libro sa sahig. Di ako nakikita ng mga ordinaryong tao at balak ko sanang subukin 'tong maid na 'to kung nakikita niya ba ako o hinde. Desperado na akong lumayas sa library na 'to at gusto ko ng hanapin si Juna. Kung di siya babalik dito, ako na lang ang pupunta sa kaniya.


"PLAY!" sigaw bigla nung maid.


Bigla na lang nagbago ang suot niya at ngayon ay may hawak na siyang..teka ano yun is that a stick?...or metal?...Madami akong alam sa mundong ito dahil lahat ng libro sa library na 'to ay nabasa ko na. Pero ngayon lang ako nakakita nung bagay na hawak niya ngayon.

Musical Mania OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon