[4-9] Music Sheet ?

38 2 0
                                    

====================

"Music Sheet?"

Point of View : Tia

====================


Dalawang buwan na akong naglalaro ng Musical Mania at hanggang ngayon wala parin ang nakakagawang maka completo ng larong 'to. Most VRMMORPG nowadays are getting owned by speedrunners. All games have endings and each one have a conqueror o yung tinatawag nating player na nagawang tapusin ang main objective ng laro.


Napadpad ako sa Muscial RPG na 'to dahil sa premise at description tungkol sa pinaghalong music at RPG. Sharp weapons at sturdy shields, yan ang nakasanayan kong laruin pero ngayon lang ako nakarinig ng gitara at piano bilang weapon. Yan lang yung nag intriga sakin para masubukan ang larong 'to.


A week after playing this game, I finally finished my first main quest. Naka kuha ako ng musician's emblem at pumunta kaagad ako nag paregister bilang official musician. Nagkaroon ng napakahabang test na umabot ng isang buwan pero nasayahan naman ako dahil andaming nangyari during the test. Pagkatapos akong naregister bilang musician ay nakilala na ako sa pangalang Tia. Di ako mahilig gumawa ng cringe ass nickname at sana'y na akong gamitin ang 3 letter name kong TIA.


Another week afher that I explored a lot of dungeons at madami akong nakasama at nakalabang mga players mula sa ibang bansa. I've joined some studios dahil ito yung alternate version ng guilds sa larong 'to at di nagtagal ay nakaabot na ako ng level 40.


All was normal RPG stuff at ang interesting ng mga improvised skills ng mga nakakalaban kong players. One thing I liked the most sa musical mania ay ang music battle. Ito yung alternate version ng PvP or duel kung saan dalawang musician ay magkakaroon ng battle with time limit.


Pero hindi lang lahat ng yun ang tungkol dito. Dahil lahat ng players sa musical mania ay may Popularity Points. Sa isang music battle, both players must bet an equal value of popularity points where both party agrees. The winner of the music battle will receive the popularity points while the loser will lose theirs. The more you'll have points the higher you'll climb the rankings.


Well this Popularity ranking is only made for battle junkies. Sitting at the top are the strongest players at para maka challenge ka ng isa sa kanila ay kakailanganin mo ng madaming points. Which is why sikat ang Music Battle sa mga players ngayon.


Para sakin naman ay hindi ako interesado sa gimmick na'to pero alam kong paborito ito ng kambal kong si Lemon pag naisipan na niyang maglaro ng Musical Mania.


I only have one goal. At itong goal na ito ay kilala lang sa mga grinders at totoong gamers na balak tapusin ang laro. Apparently merong main objective sa Musical Mania at nasabing ang laki daw ng possible rewards. Di ako interesado sa reward pero nagustuhan ko yung ideya na ako ang unang makakacompleto ng 100 pages ng Legendary Musical Sheets.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Musical Mania OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon