[1-1] Departure

496 21 1
                                    

====================

"Departure"

Point of View: Lemon

====================


Pagkatapos na install yung ultimate skill sakin ay pinatayo lamang ako ni Miku sa edge ng room. Sumilip muna ako sa ibaba at natakot kaagad ako sa dilim nito na parang bangin. Napatingin ako kay Miku sa likod ko at nagulat ako sa sumunod na ginawa niya.


"Miku?" takot kong tanong.


"Welcome to Phase 3. Please enjoy the game!" saad niya.


Nagbago bigla yung personalidad ni Miku at ipinwesto yung kaniyang paa sa nakayukong katawan kong gusto lamang silipin yung lalim nung ibaba. 


"W-W-Wait..." natatakot kong pakiusap.


"BYE!" paalam niya at sinipa yung pwet ko ng malakas.


Sinubukan kong saluhin yung edge ng room pero napalayo yung sipa sakin. Lumutang ng ilang segundo yung katawan ko at para akong lumalangoy sa hangin hanggang sa nakahabol na ang gravity at hinila na nga ako pababa sa endless void.


"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHH! " sigaw ko ng hindi handa at walang kalaban labang pumikit sa kamatayan.


[  Armodia Territory  ]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[  Armodia Territory  ]

Pagkatapos akong maitulak ng walang hiyang Miku na yun ay onti onti na akong nakakarinig ng ingay. Sinasampal na ng sinag nung araw yung mukha ko. Ramdam ko ang init sa loob ng mga damit ko. Yung bigat ng munting lindol na tumatapik sa lupa nung dumaan ang kalesang may bitbit na mabigat na karwahe.


Binuksan ko na ang mata ko at ayun nga, sinalubong na ako ng fantasy feeling nung biglang dumaan ang inakala kong kalesang kabayo pero mga dragonewts pala. 


====================

From: Miku


Welcome to Musical Mania. The character you chose have it's own life story and depending on the choices you make will affect your journey along the way. Main quests are only generated when a big major event occurs.

Musical Mania OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon