Musical Mania is a PD-VRMMORPG that brought a fresh new concept to the same old fantasy adventuring game. Unlike any of the other games, Musical Mania supports and influence players to try and fight monsters through playing musical instruments. Comp...
Walang puno at napakaliit lamang nung isla na tinatayuan nila Lemon kaya ang tanging lead lang nila ay si Mat na tagapagbantay nung nagiisang bangka. Dahil sa biglaang mga pangyayari, di nila inakalang kakilala siya ni Melon kaya mas napadali ang pakikipagugnayan kay Mat.
"Anong relasyon niyo?" tanong ni Lemon sa kanilang dalawa.
"Kaibigan ko." sagot naman ni Melon.
"Halos isang dekada ka ng di bumibisita dito." nagtatampong sabi ni Mat.
"Alam ko...pero pasensiya talaga di ko kasi matanggal yung contrata ko sa dati kong master kaya nakulong ako sa Library ng ilang taon." pag iiyak ni Melon.
"Hala..kawawa ka naman." pagiiyak rin ni Mat at napa awkward silence naman yung tatlo sa nakikita nilang kadramahan nung dalawa.
Dahil di makita ni Dash si Melon ay wala siyang magawa kundi pakinggan ang usapan nila na putol putol sa pandinig niya. Mga ilang minuto pang ikinwento ni Melon yung dating pagbibisita niya kay Mat hanggang sa inalok na ni Mat na bigyan sila ng libreng sakay sa bangka niya para kay Melon.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Lumayag na sila gamit ang binigay na bangka ni Mat at apat silang sumagwan nito. Di sumama si Mat dahil bawal siyang lumayo sa isla niya kaya nagpatuloy silangw ala siya. Nagpaalam naman silang lahat sa kaniya at kumaway nalang si Mat habang lumalaki na ang distansiya nila.
"Ingat kayo!!" sigaw ni Mat at napa-screech yung uwak sa balikat niya.
"BYE MAT!!"pagpapaalam ni Melon sa kaniya.
======================
Timer : 00:01:00:02:34:78
======================
Lumipas ang mga ilang oras at medyo kumakapal na yung ulap sa paligid. DI nagtagal ay napalibutan na sila at ni isang bagay ay wala silang makita. May lamparang binigay si Mat pero sakop lang nito ang buong bangka.